Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mayo 26–Hunyo 1: Doktrina at mga Tipan 51–57
Oras ng Kuwento
Sinabihan ng Tagapagligtas si Joseph Smith na maglagay ng mabubuting aklat sa mga paaralan ng Simbahan para matutuhan ng mga bata ang nais Niyang matutuhan nila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 55:4). Pumili ng paboritong aklat o kuwento. Maghalinhinan sa pagbabasa at pagbabahagi ng natutuhan ninyo.
Hunyo 2–8: Doktrina at mga Tipan 58–59
Mga Biyaya sa Linggo
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 59:9–19 at pag-usapan kung paano tayo binibiyayaan kapag ginagawa nating banal ang araw ng Sabbath. Pagkatapos ay buklatin sa pahina 13 at pumili ng aktibidad na gagawin.
Hunyo 9–15: Doktrina at mga Tipan 60–63
Maghanap at Magsalita
Nais ng Ama sa Langit na magsalita tayo nang maingat tungkol sa mga sagradong bagay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:64). Kasama ang isang grupo, tumayo nang pabilog na may isang tao sa gitna, hawak ang isang set ng mga banal na kasulatan. Ipipikit ng taong iyon ang kanyang mga mata, iikot, at ituturo ang isang tao. Ang taong napili niya ay magbabahagi ng isang talata ng banal na kasulatan sa lahat.
Hunyo 16–22: Doktrina at mga Tipan 64–66
Isang Nagkukusang Isipan
Nais ng Panginoon na magkaroon tayo ng nagkukusang puso at isipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:34). Maaari tayong gumugol ng oras sa pag-iisip kay Jesucristo para mas mapalapit tayo sa Kanya! Kumuha ng bag o basket para kumatawan sa iyong isipan. Maglagay ng mga bagay sa bag na tutulong sa iyo na isipin ang tungkol sa Tagapagligtas.
Hunyo 23–29: Doktrina at mga Tipan 67–70
Mga Regalo para sa mga Kaibigan
Sa mga banal na kasulatan, nalalaman natin kung gaano kahalaga na magkaroon ng “tunay at tapat” na mga kaibigan para tulungan tayong sundin si Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 69:1–2). Gumawa ng isang regalo na ibibigay sa isang kaibigan! Maaari kang magpinta ng isang larawan, gumawa ng pulseras, o magluto ng meryenda. Sumulat ng maikling liham na kasama ng iyong regalo para sabihin sa kaibigan mo na mahal mo siya.
Mga larawang kuha ni Christina Smith