2025
Ipinanumbalik ang Priesthood
Pebrero 2025


“Ipinanumbalik ang Priesthood,” Kaibigan, Pebrero 2025, 24–25.

Ipinanumbalik ang Priesthood

PDF ng pahina na may background ng ilog na may mga ligaw na hayop at mga larawan nina Jesucristo, Joseph Smith, at ng batang babae sa makabagong panahon na binibinyagan

Paglalarawan ni Amanda Smith

Binibinyagan si Jesucristo

Sa Biblia ay mababasa natin kung paano bininyagan ni Juan Bautista si Jesucristo. Si Juan Bautista ay may Aaronic Priesthood—ang awtoridad ng Diyos na magbinyag. Bininyagan si Jesus para magpakita ng halimbawa sa atin.

Tinanggap ni Joseph Smith ang Aaronic Priesthood

Habang isinasalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon, nabasa nila ni Oliver Cowdery ang tungkol sa binyag. Nang manalangin sila para mas marami pang matutuhan, nagpakita si Juan Bautista! Ibinigay niya sa kanila ang Aaronic Priesthood.

Nabinyagan si Joseph Smith

Ang awtoridad ng Diyos na magbinyag ay nasa mundo nang muli! Bininyagan nina Joseph at Oliver ang isa’t isa sa ilog.

Maaari Rin Tayong Mabinyagan

Sa pamamagitan ng Aaronic Priesthood sa lupa, maaari tayong mabinyagan na tulad ni Jesucristo. Maaari nating pagsisihan ang masasamang desisyon at maging malinis muli.