2025
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 2024


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Enero 2025, 22–23.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Disyembre 30–Enero 5: “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo”

Puzzle ng Pagpapanumbalik

Mga batang sama samang bumubuo ng isang puzzle

Ang ibig sabihin ng ipanumbalik ang isang bagay ay ibalik ito sa dati. Basahin ang “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo” sa Gospel Library para malaman pa ang iba kung paano ipinanumbalik ang Simbahan. Pagkatapos ay maglaro ng restoration game! Maghanap o magdrowing ng isang larawan at gupitin ito sa mga piraso ng puzzle. Makipagpalitan ng puzzle sa isang miyembro ng pamilya at ipanumbalik o buuing muli ang mga larawan ng bawat isa. Bakit mahalaga na ipanumbalik ni Joseph Smith ang ebanghelyo ni Jesucristo?

Enero 6–12: Doktrina at mga Tipan 1

Freeze Game

Mga batang sumasayaw

Nangungusap sa atin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:38). Kailangan lang nating makinig! Magsanay sa pakikinig sa paglalaro ng isang game. Isang tao ang tutugtog ng musika, at lahat ay sasayaw habang tumutugtog ang musika. Kapag tumigil ang musika, lahat ay titigil at hindi gagalaw. Ang sinumang huling tumigil ay magbabahagi ng isang dahilan kung bakit mahal nila ang mga propeta. Maglaro hanggang sa magkaroon na ng pagkakataon ang bawat tao na magbahagi!

Enero 13–19: Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Diorama ng Unang Pangitain

Batang gumagawa ng diorama craft

Nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20). Tinatawag natin ang kaganapang ito na Unang Pangitain. Buklatin sa pahina 13 para gumawa ng sarili mong diorama ng Unang Pangitain, at pagkatapos ay gamitin ito para maikuwento ito sa iba.

Enero 20–26: Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

Masayang Oras sa Family History

Batang nagdodrowing

Kapag marami pa tayong nalaman tungkol sa ating mga ninuno, madarama natin na mas malapit tayo sa kanila at sa Ama sa Langit (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 2). Hilingin sa isang kapamilya na magkuwento sa iyo mula sa kanilang buhay o sa buhay ng isa sa inyong mga ninuno. Pagkatapos ay muling likhain ang kuwento bilang isang dula o drowing!

PDF ng Kuwento

Mga larawang kuha ni Christina Smith