Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Susa Young Gates at Joseph F. Smith


“Susa Young Gates at Joseph F. Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Susa Young Gates at Joseph F. Smith,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1902–1918

3:20

Susa Young Gates at Joseph F. Smith

Isang paghahayag tungkol sa daigdig ng mga espiritu

Si Brigham Young na nakikipag-usap sa kanyang anak na si Susa.

Si Susa Young Gates ay anak na babae ni Brigham Young. Isinilang siya sa Utah at doon siya lumaki. Gustung-gusto niyang magsulat, at maglingkod sa Simbahan ng Panginoon.

Mga Banal, 3:10–11, 79–80

Si Susa na tumatanggap ng basbas ng priesthood.

Noong nasa hustong gulang na si Susa, nagkasakit siya nang malubha. Kaya humingi siya ng basbas ng priesthood. Sa pagbabasbas, sinabi ng Panginoon kay Susa na nais Niya na gumawa siya ng gawain sa templo.

Mga Banal, 3:238–240

Si Susa na nakikipag-usap sa isa pang babae tungkol sa mga templo at family history.

Matapos ang pagbabasbas, gumaling si Susa. Ginugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng kanyang pamilya. Kapag nakakakita siya ng mga kapamilya na namatay nang hindi nabinyagan, nagpupunta siya sa templo upang magpabinyag para sa kanila. Gustung-gusto niyang ipinapaalam sa mga tao ang tungkol sa gawain sa family history. Ang nakalulungkot, maraming tao ang hindi interesado.

Mga Banal, 3:239–41, 254

Si Susa na nakikipag-usap kay Joseph F. Smith.

Isang araw, binisita ni Susa ang kanyang kaibigang si Joseph F. Smith, ang Pangulo ng Simbahan. Maraming linggo nang may sakit si Pangulong Smith. Alam ni Susa na napakalungkot din ni Pangulong Smith dahil sa pagpanaw ng anak na lalaki nito. Malungkot din si Pangulong Smith tungkol sa iba pang mga bagay na nangyayari sa mundo, tulad ng mga digmaan at karamdaman.

Mga Banal, 3:243–46, 253–55

Si Joseph F. Smith na sinasabi kay Susa ang tungkol sa kanyang pangitain.

Ngunit nang umupo si Susa kasama si Pangulong Smith, sabik itong kausapin siya. Sinabi niya kay Susa na binigyan siya ng Diyos ng isang espesyal na pangitain. Ang lahat ng ito ay tungkol sa daigdig ng mga espiritu, kung saan pumupunta ang mga tao pagkamatay nila. Ang kanyang pangitain ay isinulat sa isang papel. Ibinigay ito ni Pangulong Smith kay Susa at hiniling sa kanya na basahin ito.

Mga Banal, 3:254–56

Binabasa ni Susa ang tungkol sa pangitain.

Binasa ni Susa ang nakasulat sa papel. Nakasaad dito na binisita ni Jesucristo ang daigdig ng mga espiritu. Isinugo Niya sina Adan, Eva, at iba pang matatapat na kalalakihan at kababaihan upang turuan ang mga espiritung hindi tumanggap ng ebanghelyo noong sila ay nabubuhay. Tinutulungan nila ang mga espiritung ito na maghanda para mabinyagan ang mga tao para sa kanila sa templo.

Doktrina at mga Tipan 138:11–19, 29–48; Mga Banal, 3:254–56

Nag-uusap sina Joseph F. Smith at Susa.

Namangha si Susa nang mabasa niya ang pangitain ni Pangulong Smith. Ngumiti sa kanya si Pangulong Smith. “Susa,” sabi niya, “ikaw ay gumagawa ng dakilang gawain.” Sinabi ni Pangulong Smith sa kanya na mahal niya ito dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Mga Banal, 3:254

Si Susa na nakaupo malapit sa Salt Lake Temple.

Nagsulat si Susa tungkol sa paghahayag sa kanyang journal. “Ah, kapanatagan iyon para sa akin!” sabi niya. Tila hindi na siya makapaghihintay pa na sabihin sa kanyang mga kaibigan at iba pang mga miyembro ng Simbahan ang tungkol dito. Alam niya na ang pangitain ni Pangulong Smith ay tutulong sa mga Banal na masabik gumawa ng gawain sa templo para sa mga tao sa daigdig ng mga espiritu.

Mga Banal, 3:256