“Si Lucy Morley at ang Kanyang Pamilya,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Si Lucy Morley at ang Kanyang Pamilya” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Nobyembre 1830
Si Lucy Morley at ang Kanyang Pamilya
Marami ang naniwala at nabinyagan
Isang araw, tinutulungan ng 15-anyos na si Lucy Morley ang kanyang kapitbahay na si Abigail Daniels na maghabi ng tela. Habang nagtatrabaho sila, may narinig silang katok sa pinto. Tatlong missionary iyon. Pinapasok sila ni Abigail. Sinabi nila na ipinadala sila ni Jesucristo para magbahagi ng mensahe.
Mga Banal, 1:117–18
Sinabi ng mga lalaki kina Abigail at Lucy na tinawag ni Jesus si Joseph Smith na maging propeta. Sinabi rin nila sa kanila ang tungkol sa Aklat ni Mormon.
Mga Banal, 1:118
Nagulat si Lucy nang magalit si Abigail. Pinaalis niya ang mga missionary sa kanyang bahay.
Mga Banal, 1:118–19
Alam ni Lucy na ang mga missionary na ito ay mga lingkod ng Diyos. Sinabi niya sa kanila na bisitahin ang kanyang pamilya sa bahay sa ibabang kalsada. “Ang tatay ko ay nakatira isang milya ang layo mula rito,” sabi niya. “Pumunta kayo roon at kayo ay papakainin at aasikasuhin.”
Mga Banal, 1:119
Tama si Lucy. Nabusog ang mga missionary sa kanilang kinain sa sakahan ng pamilya Morley. Ang mga magulang ni Lucy ay mga kaibigan ni Sidney Rigdon. Naniniwala sila na gusto ni Jesus na ibahagi nila ang lahat ng mayroon sila sa iba. Inanyayahan nila ang mga missionary na turuan sila at ang kanilang mga kaibigan.
Mga Banal, 1:119
Nang gabing iyon, bandang maghahating-gabi na, 17 katao ang nabinyagan. Nang sumunod na ilang araw, 50 pang tao ang nagpunta sa sakahan ng mga Morley para pakinggan ang mga missionary, at hiniling nilang magpabinyag. Maging ang kaibigan ni Lucy na si Abigail Daniels ay nagbago ng isip tungkol sa mga missionary. Siya at ang kanyang asawa ay nagpasiyang sumapi sa Simbahan.
Mga Banal, 1:120; Doktrina at mga Tipan 20:25, 37