“Maramihang Pag-aasawa,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Maramihang Pag-aasawa,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
1831–1890
Maramihang Pag-aasawa
Isang kautusan na panandalian
Habang nag-aaral si Propetang Joseph ng Biblia, nabasa niya ang tungkol sa mga propetang tulad nina Abraham at Moises na ikinasal nang higit pa sa isa. Maraming tanong si Joseph. Kaya napagdesisyunan niya na manalangin at magtanong sa Panginoon.
Doktrina at mga Tipan 132:1; Mga Banal, 1:138, 574
Sinabi ng Panginoon na karaniwan ay dapat magkaroon lamang ng iisang asawa ang isang lalaki. Ngunit kung minsan ay inuutusan ng Panginoon ang isang lalaki na mag-asawa nang higit sa isa. Ang tawag dito ay maramihang pag-aasawa. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na ang Kanyang mga tao ay dapat lamang mag-asawa nang higit sa isa kung Kanyang ipag-uutos ito.
Jacob 2:27–30; Doktrina at mga Tipan 132:34–39; Mga Banal, 1:136, 330–32, 558–60, 574
Lumipas ang mga taon, sinabi ng Panginoon kay Joseph at sa iba pang mga Banal na mag-asawa nang maramihan. Hindi naging madali ang pagsunod sa utos na ito.
Gumawa ng mga batas ang gobyerno laban sa maramihang pag-aasawa. May ilang Banal, kabilang na ang mga lider ng Simbahan, ang ibinilanggo.
Mga Banal, 2:617–22
Noong 1890, sinabi ng Panginoon kay Wilford Woodruff, ang Pangulo ng Simbahan, na ang mga lalaki ay hindi na dapat mag-asawa nang higit sa isa. Ibinahagi ng mga lider ng Simbahan ang kautusang ito sa mga Banal. Ito pa rin ang utos ng Panginoon ngayon—ang isang lalaki ay dapat magkaroon lamang ng isang asawa.
Opisyal na Pahayag 1; Mga Banal, 2:736–39, 745–49