“Hawn’s Mill,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Hawn’s Mill,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Oktubre 1838–Pebrero 1839
Hawn’s Mill
Isang pag-atake at isang himala
Si Willard Smith ay 11 taong gulang noon. Ang kanyang pamilya ay nakatira sa Hawn’s Mill, Missouri, kasama ang iba pang mga Banal. Nais nilang magtipon sa lalong madaling panahon kasama ang mga Banal sa Far West.
Doktrina at mga Tipan 115:7–8; Mga Banal, 1:397–99
Isang araw, kasama ni Willard ang kanyang ama at mga kapatid na sina Sardius at Alma. Bigla na lang, nakarinig sila ng mga putok ng baril at sigawan. Sinalakay ng mga tao ang mga Banal.
Mga Banal, 1:399–400
Nagtakbuhan ang lahat para humanap ng mapagtataguan. Maraming kalalakihan at bata ang nagtago sa pandayan. Pumasok din doon ang ama at mga kapatid ni Willard, ngunit nahiwalay sa kanila si Willard. Nagtago siya sa likod ng mga kahoy na nakatambak. Narinig niya ang mga putok ng baril sa paligid niya.
Tumakbo si Willard na nagpapalipat-lipat ng lugar na matataguan. Sa wakas, tumigil ang pagputok ng mga baril. Umalis na ng Hawn’s Mill ang mga umatake.
Mga Banal, 1:404
Pumunta si Willard sa pandayan para hanapin ang kanyang pamilya. Napatay ang kanyang ama at si Sardius. Ngunit buhay pa ang nakababatang kapatid ni Willard na si Alma.
Mga Banal, 1:404–05
Si Alma ay tinamaan ng bala sa kanyang balakang. Malubha ang sugat niya. Binuhat ni Williard si Alma at dinala siya sa tolda ng kanilang pamilya.
Mga Banal, 1:404–05
Hindi alam ng ina ni Willard na si Amanda kung paano gagamutin ang balakang ni Alma. Ngunit alam niyang alam ito ng Diyos. Nagdasal siya, at narinig niya ang isang tinig na sinasabi sa kanya kung ano ang eksaktong gagawin niya.
Mga Banal, 1:404–06
Nilinis ni Amanda ng tubig na may abo ang sugat ni Alma. Pagkatapos ay pinitpit niya ang ilang ugat ng puno at inilagay sa sugat nito. Binalot niya ng tela ang balakang nito. “Ngayon humiga ka nang ganyan, at huwag gumalaw,” sinabi niya, “at igagawa ka ng Panginoon ng isa pang balakang.”
Mga Banal, 1:404–06
Kalaunan, sinabi ng gobernador ng Missouri na kailangang umalis ang mga Banal sa estado o papatayin sila. Ngunit hindi pa rin bumubuti ang balakang ni Alma. Nagdasal si Amanda at humingi ng tulong sa Panginoon. Isang tinig ang nagsabi sa kanya na hindi kailanman iiwan ni Jesus ang kanyang pamilya. Pakiramdam ni Amanda ay walang makakapanakit sa kanya.
Doktrina at mga Tipan 88:83; Mga Banal, 1:426, 433–34
Hindi pa nagtatagal matapos niyang magdasal, narinig ni Amanda ang sigaw ng kanyang mga anak. Tumakbo siya para hanapin sila, at nang gawin niya ito, nakita niyang tumatakbu-takbo si Alma. “Magaling na ako, Inay, magaling na ako!” sabi niya. Magaling na ang kanyang balakang! Isang himala ito mula sa Panginoon. Umalis si Amanda at ang kanyang mga anak sa Missouri para maghanap ng ligtas na lugar kasama ang iba pang mga Banal.
Mga Banal, 1:434–35