Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sinalakay sina Joseph at Sidney


“Sinalakay sina Joseph at Sidney,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Sinalakay sina Joseph at Sidney,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Pebrero 1832

2:28

Sinalakay sina Joseph at Sidney

Sinubukang pigilan ng mga galit na tao ang gawain ng propeta ng Diyos

Mga galit na lalaki na nag-uusap malapit sa isang bonfire.

Gusto ng ilang tao ang itinuturo ni Joseph Smith tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa langit. Pero hindi gusto ng ibang tao ang kanyang itinuturo. Ilan sa kanila ang nagalit at gustong pigilan si Joseph sa pagtuturo.

Doktrina at mga Tipan 76; Mga Banal, 1:171

Sina Emma at Joseph Smith na nag-aalaga sa kanilang mga anak na maysakit.

Isang gabi, gising pa si Joseph para tulungan si Emma na alagaan ang isa sa kanilang ampon na kambal na sanggol. Malubha ang sakit ng sanggol.

Mga Banal, 1:172

Nag-aalaga si Emma ng mga anak habang natutulog si Joseph.

Kinuha ni Emma ang sanggol at sinabi kay Joseph na magpahinga na. Mangangaral pa siya bukas ng umaga. Sa huli, parehong nakatulog sina Joseph at Emma.

Mga Banal, 1:172

Mga kalalakihan na hinahatak si Joseph palabas ng bahay.

Biglang bumukas ang pinto, at nagpasukan sa silid ang isang grupo ng mga galit na lalaki. Napasigaw si Emma nang sunggaban ng mga lalaki ang mga braso, binti, at buhok ni Joseph. Hinatak nila siya palabas ng bahay.

Mga Banal, 1:172–73

Mga lalaking mahigpit na hinahawakan si Joseph habang nakahandusay sa lupa si Sidney Rigdon.

Sinikap ni Joseph na makawala sa mga lalaki, ngunit mahigpit ang hawak nila sa kanya. Nakita ni Joseph na hinatak din ng mga lalaki ang kaibigan niyang si Sidney Rigdon palabas ng bahay nito.

Mga Banal, 1:173

Mga lalaki na nagbubuhos ng alkitran at balahibo kay Joseph.

Pinunit ng mga lalaki ang damit ni Joseph at ibinuhos ang mainit at malagkit na alkitran sa buong balat at buhok nito. Pagkatapos ay binuhusan nila siya ng balahibo at sila ay tumakbo palayo.

Mga Banal, 1:174

Si Emma at ang kanyang mga kaibigan na inaalagaan sina Joseph at Sidney.

Pagkaalis ng mga lalaki, nahirapang bumalik sa bahay si Joseph. Nag-aalala nang husto si Emma nang makita niya si Joseph. Narinig ng mga kaibigang nakatira sa malapit ang nangyari at nagmadali silang tumulong. Inalis ni Emma ang alkitran mula sa balat ni Joseph. Sa buong magdamag, tumulong si Emma at ang kanyang mga kaibigan sa pag-aalaga kina Joseph at Sidney.

Doktrina at mga Tipan 25:5; Mga Banal, 1:175

Si Joseph na nangangaral sa isang grupo ng mga Banal.

Kinabukasan, matindi pa rin ang sakit na nararamdaman ni Joseph. Ngunit nagbihis siya at nagturo sa isang grupo ng mga tao tungkol kay Jesucristo. Ang ilan sa mga lalaking umatake sa kanya ay nakinig sa kanyang pagtuturo. Kalaunan nang araw na iyon, bininyagan ni Joseph ang tatlong tao. Patuloy pa rin niyang ginawa ang gawain ng Panginoon, kahit sinubukan siyang pigilan ng mga tao.

Doktrina at mga Tipan 24:8; Mga Banal, 1:175