Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Mahalagang Perlas


“Ang Mahalagang Perlas,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Mahalagang Perlas,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Hulyo 1835–Marso 1842

2:24

Ang Mahalagang Perlas

Marami pang banal na kasulatan mula sa Panginoon

Si Joseph Smith na tinitingnan ang isang Egyptian scroll.

Isang araw, isang lalaki ang dumating sa Kirtland na may dalang mga mummy mula sa Egipto. Kasama ng mga mummy ang ilang scroll, o napakalumang mga rolyo ng papel. Ang mga scroll ay nakasulat sa wikang Egipto. Ipinakita ng lalaki ang mga ito kay Propetang Joseph Smith. Interesado si Joseph sa nakasulat.

Mga Banal, 1:252–53

Ipinapakita ni Joseph ang scroll kay Emma Smith.

Tinulungan ng ilang kaibigan si Joseph na bilhin ang mga mummy at mga scroll. Habang pinag-aaralan ni Joseph ang mga nakasulat, inihayag sa kanya ng Panginoon ang mga sinaunang sulat mula kay Abraham, isang propeta sa Biblia. Sa tulong ng mga kaibigang tulad ni Oliver Cowdery, naisulat ni Joseph ang itinuro sa kanya ng Panginoon tungkol sa mga turo ni Abraham.

Mga Banal, 1:253

Si Joseph na nagkaroon ng isang pangitain tungkol kay Abraham at sa Ama sa Langit.

Nakakita si Abraham ng isang pangitain tungkol sa ating buhay kasama ang Ama sa Langit bago tayo isinilang. Nakita niya na pinili si Jesus upang maging ating Tagapagligtas. Nalaman din ni Abraham ang tungkol sa paglikha ng mundo. Tuwang-tuwa ang mga Banal na malaman ang mga turong ito mula kay Abraham. Masaya sila na maraming bagay ang nais ituro sa kanila ng Panginoon.

Abraham 2:6–11; 3–5; Mga Banal, 1:253

Si Joseph na tumatanggap ng inspirasyon mula sa mga kuwento tungkol kina Moises at Abraham.

Ang mga isinulat ni Abraham ay naging bahagi ng aklat ng banal na kasulatan na tinatawag na Mahalagang Perlas. Ang aklat na ito ay naglalaman din ng mga isinulat ni Moises, isa pang propeta sa Biblia. Nagtuturo ito ng mga katotohanang nawala sa Biblia. Nais ng Panginoon na malaman ng mga tao ang mga katotohanang ito, kaya ibinahagi Niya ito kay Joseph Smith.

Moises 1–8; Abraham 1–5

Isang batang lalaki at babae na nagbabasa ng Mahalagang Perlas.

Nasa Mahalagang Perlas din ang patotoo ni Joseph Smith at ang 13 Saligan ng Pananampalataya. Isinulat ni Joseph Smith ang mga bagay na ito para sabihin sa mundo ang pinaniniwalaan ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang Mahalagang Perlas ay isang maliit na aklat, tulad ng isang perlas na maliit, ngunit ito ay napakahalaga.

Joseph Smith—Kasaysayan; Mga Saligan ng Pananampalataya 1