Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Humingi ng Tawad si Parley


“Humingi ng Tawad si Parley,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Humingi ng Tawad si Parley,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Enero–Hulyo 1837

4:9

Humingi ng Tawad si Parley

Ang patotoo ng isang kaibigan ay nagpapatibay sa kanyang pananampalataya

Sina Thankful at Parley Pratt na hawak ang kanilang bagong silang na anak.

Nang manganganak na si Thankful, umuwi sila ni Parley Pratt mula sa kanilang misyon sa Canada. Nagkaroon sila ng malusog na anak na lalaki tulad ng ipinangako ng Panginoon sa kanila.

Mga Banal, 1:307

Si Parley na karga ang anak sa harap ng puntod ni Thankful.

Nakalulungkot na namatay si Thankful ilang oras matapos isilang ang sanggol. Alam ni Parley na hindi niya maaalagaan ang anak kung wala si Thankful. Pinaalagaan niya ang sanggol sa isang babae sa Kirtland nang bumalik siya sa Canada para tapusin ang kanyang misyon.

Mga Banal, 1:307

Kinakausap ni Joseph Smith ang mga tao tungkol sa bagong bangko.

Sa Kirtland, nagsimula si Joseph Smith ng isang bangko para makalikom ng pera para sa gawain ng Diyos. Pinakiusapan niya ang mga tao na hayaan ang bangko na gamitin ang kanilang pera upang mahiram ito ng iba. Ngunit, sa maraming kadahilanan, ang bangko ay walang sapat na pera at kailangang magsara. Nalugi rin ang ibang bangko sa Estados Unidos.

Mga Banal, 1:296–97, 300–02

Mga Banal na nagtatalo tungkol sa bangko sa loob ng Kirtland Temple.

Naging mahirap ang buhay ng mga Banal. May mga nawalan ng trabaho at ngayon ay wala nang sapat na pera na pambili ng pagkain o damit. May mga taong nagalit kay Joseph, maging ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan. Inisip nila na hindi totoong propeta si Joseph dahil nalugi ang bangko.

Mga Banal, 1:300–02, 310313

Si Parley na karga ang kanyang sanggol na anak.

Habang nangyayari ito, umuwi si Parley mula sa kanyang misyon. Ang mga problema sa bangko ay nagpahirap din sa buhay ni Parley. Hindi siya magkakaroon ng sapat na pera na pambayad sa kanyang bahay, at wala siyang titirhan.

Mga Banal, 1:308–09

Si Parley na nagsusulat ng liham kay Joseph.

Ngayon ay galit na rin si Parley kay Joseph. Sumulat siya kay Joseph. Sinabi niya kay Joseph na naniniwala pa rin siya sa Aklat ni Mormon. Ngunit nagsabi rin siya ng hindi magagandang bagay tungkol sa Propeta. Sinabi niya kay Joseph na una pa lang ay nagkamali na ito sa pagtatayo ng bangko.

Mga Banal, 1:309

Si Parley na sinasalubong ang mga kaibigan mula sa Canada.

Kalaunan, ilan sa mga kaibigan ni Parley mula sa Canada ang dumating sa Kirtland. Itinuro ni Parley ang ebanghelyo sa kanila, at masaya sila na makita siyang muli.

Mga Banal, 1:318–19

Mga kaibigan ni Parley na nagmamasid habang si Parley at iba pa ay nakikipagtalo kay Joseph.

Ngunit nagulat din sila na hindi na naniniwala si Parley at ang marami pang iba na si Joseph Smith ay isang propeta.

Mga Banal, 1:318–19

Si Parley na nakikipag-usap kay John Taylor.

Isa sa mga kaibigan ni Parley mula sa Canada ay si John Taylor. Nang makita siya ni Parley, sinabi niya kay John kung gaano siya kagalit kay Joseph Smith. Sinabi niya kay John na huwag nang sumunod kay Joseph.

Mga Banal, 1:319

Si John na ibinabahagi ang kanyang patotoo kay Parley.

Ipinaalala ni John kay Parley na noong nasa Canada sila, ibinahagi ni Parley ang kanyang patotoo na si Joseph Smith ay totoong propeta. “Ngayon ay mayroon na ako ng parehong patotoo,” sabi ni John. “Kung ang gawain ay totoo anim na buwan na ang nakararaan, ito ay totoo ngayon. Kung si Joseph Smith ay isang propeta noon, siya ay isang propeta ngayon.”

Mga Banal, 1:319

Si Parley na nakatingin kay Joseph at sa iba pa sa loob ng Kirtland Temple.

Alam ni Parley na tama ang kaibigan niyang si John. Nalungkot siya tungkol sa liham niya kay Joseph na puno ng pagkapoot. Alam niya na ginagawa ni Joseph ang lahat para sa gawain ng Panginoon. Ang mga problema sa bangko ay hindi nangangahulugan na hindi totoong propeta ni Jesucristo si Joseph.

Mga Banal, 1:322–23

Si Parley na humihingi ng tawad kay Joseph.

Pumunta si Parley sa tahanan ni Joseph. Sinabi niya kay Joseph na nagsisisi na siya sa di-magagandang sinabi niya. Pinatawad ni Joseph si Parley, ipinagdasal, at binasbasan ito. Si Parley ay naglingkod sa marami pang misyon at ipinahayag sa mga tao sa buong mundo na si Joseph Smith ay propeta ng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 64:7–11; Mga Banal, 1:322–23