“Isang Misyon sa mga Katutubong Amerikano,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Isang Misyon sa mga Katutubong Amerikano,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Oktubre 1830–Enero 1831
Isang Misyon sa mga Katutubong Amerikano
Narinig ng mga Delaware Indian ang ebanghelyo
Hindi nagtagal matapos mabinyagan si Parley Pratt, tinawag siya ng Panginoon na sumama kay Oliver Cowdery at sa iba pa para sa isang misyon. Gusto Niyang ipangaral nila ang ebanghelyo sa mga Katutubong Amerikano. Ang mga missionary ay naglakbay nang maraming linggo sa makapal na niyebe. Sa wakas, nakilala nila si Kikthawenund, pinuno ng mga Delaware Indian.
Doktrina at mga Tipan 28:14; 30:5–6; 32; Mga Banal, 1:112, 131
Mabait ang pinuno sa mga missionary. Inanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan na pakinggan ang kanilang mensahe. Sinabi ni Oliver na naglakbay sila ni Parley nang malayo para dalhin sa kanila ang Aklat ni Mormon. Ang aklat ay tungkol sa mga taong nanirahan sa Amerika noong unang panahon. Gusto ng Diyos na ibahagi nila ang aklat para malaman ng lahat ang tungkol kay Jesucristo.
Mga Banal, 1:131–32
Binigyan ni Oliver si Kikthawenund ng isang kopya ng Aklat ni Mormon. Nagpapasalamat siya na kahit malayo ay naglakbay si Oliver at ang kanyang mga kaibigan para ibahagi ito sa kanyang mga tao. Sinabi niya kina Oliver at Parley na gusto niyang bumalik sila para basahin sa kanila at ituro pa sa kanila ang tungkol sa Aklat ni Mormon.
Mga Banal, 1:132–33