“Inilaan ang Kirtland Temple,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Inilaan ang Kirtland Temple,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Marso 1836
Inilaan ang Kirtland Temple
Nadama ang Espiritu ng Panginoon sa Kanyang bahay
Matapos ang halos tatlong taong pagsisikap, natapos na rin sa wakas ang Kirtland Temple. Inanyayahan ni Propetang Joseph ang mga Banal sa isang espesyal na miting para ilaan ang templo. Siya ay bibigkas ng isang espesyal na panalangin at ibibigay ang templo sa Panginoon. Ito ay magiging banal na bahay ng Panginoon.
Mga Banal, 1:269–70
Maaga pa lang sa pulong, daan-daang Banal na ang nagsiksikan sa templo. Nang mapuno ang lahat ng upuan, ang mga tao ay nakatayo sa pintuan at sa labas, na nakasilip sa mga bintana. Tuwang-tuwa ang lahat na makitang ilalaan ang templo.
Mga Banal, 1:269–70
Binasa ni Joseph ang isang panalangin para ilaan ang templo. Sinabi niya sa Panginoon na sinunod Siya ng mga Banal. Hiniling niya sa Panginoon na tanggapin ang templo bilang Kanyang bahay.
Ipinagdasal ni Joseph na madama ng lahat ng pumupunta sa templo ang kapangyarihan ng Panginoon at malaman na ito ang Kanyang bahay.
Ipinagdasal din ni Joseph na kapag nagkasala ang mga Banal, ay magsisisi sila kaagad. Hiniling niya sa Panginoon na bigyan sila ng kapangyarihang ibahagi ang Kanyang ebanghelyo sa buong mundo. Pagkatapos ng panalangin, kinanta ng koro ang isang bagong awit na may pamagat na “Espiritu ng Diyos.” Napuspos ng kagalakan ang mga tao. Sila ay tumayo at nagpuri sa Panginoon.
Doktrina at mga Tipan 109:21–32; Mga Himno, blg. 2; Mga Banal, 1:272
Maraming tao ang nakakita ng mga anghel sa templo noong araw na iyon. Nakita nila ang maningning na liwanag na bumababa mula sa langit patungo sa templo. Sinabi ng ilang tao na para itong ulap; sabi naman ng iba ay para itong apoy. Nadama nilang lahat na ang templo ay isang banal na lugar. Ito ay talagang bahay na ngayon ng Panginoon.
Mga Banal, 1:272