“Liberty Jail,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Liberty Jail,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Oktubre 1838–Marso 1839
Liberty Jail
Nakilala ang Panginoon sa mga panahon ng kagipitan
Marami sa mga taong nakatira sa Missouri ang ayaw sa mga Banal. Nagpadala ng mga sundalo ang gobernador para paalisin sila. Pinalayas ng mga sundalo ang mga Banal sa kanilang mga tahanan, ninakawan ng mga gamit ang kanilang mga bahay, at sinaktan ang marami sa kanila.
Inaresto ng mga sundalo si Propetang Joseph Smith at ang iba pang mga lider ng Simbahan.
Mga Banal, 1:408–410
Tinanong ni Joseph kung maaari ba siyang bigyan ng ilang sandali na makasama ang kanyang pamilya. Hindi pumayag ang mga sundalo. Dinala nila si Joseph at ang iba pang mga bilanggo.
Mga Banal, 1:419
Isang gabi, napakinggan ni Joseph at ng iba pang mga bilanggo na nagtatawanan ang mga bantay nila tungkol sa masasamang bagay na ginawa nila sa mga Banal. Hindi na kayang tiisin ni Joseph ang mga naririnig. Tumayo siya at sumigaw, “Tumahimik kayo!” Nagsalita siya taglay ang kapangyarihan ng Diyos. Natakot ang mga bantay. Humingi sila ng paumanhin at tumigil sila sa pagsasalita.
Mga Banal, 1:420–422
Kalaunan, si Joseph at ang kanyang mga kaibigan ay ibinilanggo sa isang piitan sa isang bayan na tinatawag na Liberty. Malamig, maliit, at madilim ang piitan. Kaunting dayami lamang na marumi ang kanilang higaan. Kakarampot ang pagkain, at nagkakasakit sila dahil dito.
Mga Banal, 1:423–24, 428, 439–40
Madalas na iniisip ni Joseph ang mga Banal. Mahal niya sila. Nag-alala siya sa kanila. Pero wala siyang magawa para tulungan sila.
Mga Banal, 1:440–441
Maraming ulit na nagdasal si Joseph. Tinanong niya ang Diyos kung nasaan Siya at kung bakit hindi Niya tinutulungan ang mga Banal. Nakalimutan na ba siya ng Diyos at ang Simbahan?
Sinagot ng Diyos ang panalangin ni Joseph. Sinabi Niya, “Aking anak, kapayapaan ay mapasaiyong kaluluwa.” Sinabi ng Diyos kay Joseph na hindi magtatagal ang kanyang mga pagdurusa, at para sa kanyang ikabubuti ang mga ito. Ipinaalala ng Diyos kay Joseph na higit pa rito ang hirap na pinagdaanan ni Jesucristo. Ipinangako Niya na makakasama Siya ni Joseph “magpakailanman at walang katapusan.”