Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Relief Society


“Ang Relief Society,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Relief Society,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Marso 1842

3:38

Ang Relief Society

Ang kababaihan ng Nauvoo ay naglilingkod sa Panginoon

Pinag-uusapan nina Margaret Cook at Sarah Kimball ang tungkol sa bagong templo na itinatayo sa Nauvoo.

Si Margaret Cook ay nakatira sa Nauvoo. Nagtrabaho siya para kay Sarah Kimball, at tinulungan ito sa pananahi. Habang nagtatrabaho siya, gustung-gusto nilang pinag-uusapan ang tungkol sa bagong templo na itinatayo sa Nauvoo. Nasasabik sila na magkakaroon na ng templo.

Mga Banal, 1:511

Napapansin ni Margaret na luma na ang mga damit ng mga manggagawa sa templo.

Isang araw, napansin ni Margaret na ang kasuotan ng marami sa mga kalalakihang nagtatayo ng templo ay luma at sira-sira na. Inisip niya kung maaari silang magtulungan ni Sarah sa pagtahi ng mga bagong kamiseta para sa mga lalaki. Nagustuhan ni Sarah ang ideya. Kinausap nila ni Margaret ang iba pang kababaihan tungkol sa pagbuo ng isang grupo na tutulong sa mga manggagawa.

Mga Banal, 1:511–12

Nakipagkita si Joseph Smith kina Margaret, Sarah, at iba pa para mabuo ang Relief Society ng Simbahan.

Sinabi ni Propetang Joseph na masaya ang Panginoon sa kanilang ideya, at Siya ay may inilaang mas mainam na bagay para sa kanila. Inanyayahan ni Joseph ang mga babae na makipagkita sa kanya noong Marso 17, 1842. Gamit ang awtoridad ng priesthood, inorganisa niya ang kababaihan ng Simbahan. Nagpasiya sila na tawaging Female Relief Society of Nauvoo ang kanilang grupo.

Mga Banal, 1:512, 514–16

Nakikipag-usap si Margaret sa dalawang babae.

Hiniling ni Joseph sa Relief Society na tulungan ang mga tao na maghanda para sa mga pagpapala ng templo at buhay na walang hanggan. Dapat silang maging halimbawa ng pagsunod kay Jesus.

Mga Banal, 1:516

Ang mga miyembro ng Relief Society na nagdadala ng pagkain sa pamilyang nangangailangan.

Sinabi rin ni Joseph na dapat hanapin ng Relief Society ang mga taong mahihirap at tulungan sila. Maging ang mahihirap na kababaihan ay nais tumulong sa mga nangangailangan.

Mga Banal, 1:512

Itinatatag ang Relief Society.

Itinatag ang Relief Society. Si Emma Smith ay tinawag na maging pangulo. Tumawag siya ng dalawang tagapayo, sina Sarah Cleveland at Ann Whitney. Tumawag din siya ng sekretarya, si Eliza R. Snow.

Mga Banal, 1:514

Si Emma na nagtuturo sa kababaihan sa Relief Society.

Tinulungan ng Panginoon si Emma na magampanan ang tungkulin nito. Itinuro ni Emma sa kababaihan na magagawa nila ang mga dakilang bagay sa paglilingkod sa Panginoon. Nais niyang maghanap ang bawat isa sa kanila ng mga paraan upang makagawa ng mabuti. Ang pinakamahalaga, sinabi niya sa kanila, ay ang mahalin ang ibang tao tulad ng ginawa ni Jesus. Maraming kababaihan sa Nauvoo ang sumapi sa Relief Society.

Doktrina at mga Tipan 25:3, 7; Mga Banal, 1:516

Isang montage na naglalarawan kung paano nakatulong ang kababaihan ng Simbahan sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinulungan nila ang mga tao na maghanda para sa mga pagpapala ng templo at tinulungan ang maraming pamilyang nangangailangan sa Nauvoo. Simula noon, ang kababaihan sa iba’t ibang panig ng mundo ay sumasapi sa Relief Society. Patuloy nilang pinaglilingkuran at tinutulungan ang mga tao na tumanggap ng mga pagpapala ng templo.

Mga Banal, 1:516