Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nakita ng mga Saksi ang mga Lamina ng Aklat ni Mormon


“Nakita ng mga Saksi ang mga Lamina ng Aklat ni Mormon,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Nakita ng mga Saksi ang mga Lamina ng Aklat ni Mormon,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Marso–Setyembre 1829

4:59

Nakita ng mga Saksi ang mga Lamina ng Aklat ni Mormon

Pagpapatotoo sa mundo

May mga taong-bayan na nagalit kay Joseph Smith.

Patuloy na isinalin nina Joseph, Emma, at Oliver ang mga laminang ginto sa bahay ng mga Smith sa Pennsylvania. Pero gusto silang patigilin ng mga tao sa kanilang bayan. May kaibigan si Oliver na nagngangalang David Whitmer na nakatira sa New York. Tinanong ni Oliver si David kung maaari silang lumipat at makitira sa pamilya Whitmer para matapos ang pagsasalin.

Mga Banal, 1:78

Tinanggap ni David Whitmer sina Joseph, Emma, at Oliver sa kanyang tahanan.

Pumayag si David at ang kanyang pamilya. Tinanggap nila sina Joseph, Emma, at Oliver sa kanilang tahanan. Ngayon ay mapayapa na nilang magagawa ang pagsasalin. Maraming tao ang nakatira sa bahay ng mga Whitmer. Ibig sabihin maraming trabahong dapat gawin, lalo na para sa ina ni David, si Mary.

Mga Banal, 1:78–81

Nagpakita ang anghel na si Moroni kay Mary Whitmer.

Isang araw, habang nagtatrabaho si Mary, dinalaw siya ng anghel na si Moroni. Sinabi niyang alam niya na ang dagdag na gawain ay nakakapagod kay Mary. Gusto niyang palakasin ang pananampalataya nito. Binuksan niya ang isang bag at kinuha ang mga laminang ginto. Binuklat niya ang mga pahina at ipinakita kay Mary ang nakasulat. Nangako siya kay Mary na ito ay pagpapalain.

Mga Banal, 1:80–81

Tinanong nina David Whitmer, Martin Harris, at Oliver Cowdery si Joseph kung maaari silang maging mga saksi.

May mga taong hindi naniniwala na totoo ang mga lamina. Sinunod ni Joseph ang utos ng Panginoon na huwag ipakita ang mga lamina sa sinuman. Sinabi ng Panginoon na ipapakita Niya sa tatlo pang saksi ang mga lamina. Tinanong nina David Whitmer, Martin Harris, at Oliver Cowdery kung maaari silang maging mga saksi. Pinahintulutan sila ng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 5:11–12; 17; Mga Banal, 1:83

Sina Joseph, Martin, Oliver, at David na ipinagdarasal na makatanggap ng patotoo tungkol sa mga laminang ginto.

Sina Joseph, Martin, Oliver at David ay nagpunta sa kakahuyan. Lumuhod sila at nagsalitan sa pagtatanong sa Diyos kung maaari nilang makita ang mga lamina, pero walang nangyari.

Mga Banal, 1:83

Si Martin Harris ay lumakad palayo sa grupo.

Nadama ni Martin Harris na siya ang dahilan kung bakit hindi sinasagot ang kanilang panalangin. Umalis si Martin, at patuloy na nagdasal ang iba.

Mga Banal, 1:83

Nagpakita ang isang anghel kina Oliver, David, at Joseph.

Pagkatapos ay nagpakita ang isang anghel na balot ng maningning na liwanag. Ipinakita niya kina Oliver at David ang mga laminang ginto at ang nakasulat dito. Narinig nila ang tinig ng Diyos na nagsasabi na isinalin ni Joseph ang mga lamina sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos at tama ang pagsasalin. Sinabi rin ng Diyos na dapat nilang sabihin sa lahat ang kanilang nakita at narinig.

Ang Patotoo ng Tatlong Saksi”; Mga Banal, 1:83–84

Nagpakita ang isang anghel kina Martin at Joseph.

Hinanap ni Joseph si Martin. Siya ay nagdarasal pa rin. Nanalangin si Joseph kasama niya. Pagkatapos ay nagpakita ang anghel at ipinakita ang mga lamina kay Martin, tulad ng ginawa niya kina Oliver at David.

Mga Banal, 1:84

Sinabi ni Joseph sa kanyang mga magulang na nakita na ng ibang tao ang mga laminang ginto.

Kasunod nito, hinanap ni Joseph ang kanyang mga magulang, na bumibisita kay Mary Whitmer. Sinabi niya sa kanila kung gaano siya kasaya na nakita ng ibang tao ang mga lamina. Ngayon ay masasabi ng mga saksi sa mga tao na nagsasabi ng totoo si Joseph. Sinabi ni Martin sa lahat kung gaano siya kasaya na pinayagan siya ng Diyos na maging isa sa mga saksi.

Mga Banal, 1:84–85

Walo pang tao ang nagkaroon ng patotoo sa mga laminang ginto.

Makalipas ang ilang araw, sinabi ng Panginoon kay Joseph na ipakita ang mga laminang ginto sa walo pang tao—ang kanyang ama, dalawa sa kanyang mga kapatid, apat sa mga kapatid ni David, at bayaw ni David. Nahawakan nila ang mga lamina at nabuklat ang mga pahina nito. Alam nilang totoo ang mga lamina.

Ang Patotoo ng Walong Saksi”; Mga Banal, 1:85

Sina Joseph at Martin na nakatingin sa nakalimbag na manuskrito.

Ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon ay natapos na. Ibinalik ni Joseph ang mga laminang ginto sa anghel na si Moroni. Panahon na para maglimbag ng mga kopya ng aklat para mabasa ito ng lahat at malaman pa ang tungkol kay Jesucristo.

Mga Banal, 1:85–86

Sina Joseph at Martin na nagdiriwang sa pagkakalathala ng Aklat ni Mormon.

Malaki ang nagastos sa pagpapalimbag ng Aklat ni Mormon. Ibinigay ni Martin Harris ang bahagi ng kanyang sakahan upang bayaran ito. Ginawa niya ito dahil alam niyang totoo ang Aklat ni Mormon. Bawat kopya ng aklat ay may patotoo ni Martin at ng iba pang mga saksi upang mabasa ng lahat. Hindi kailanman itinanggi ng mga saksi ang kanilang patotoo.

Doktrina at mga Tipan 19:26–27, 34–35; Mga Banal, 1:86–88