“Walang Hanggang Kasal at mga Pamilya,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Walang Hanggang Kasal at mga Pamilya,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
1843–1846
Walang Hanggang Kasal at mga Pamilya
Ibinuklod ng kapangyarihan ni Jesucristo
Noong ikasal sina Emma at Joseph, naniniwala sila na magwawakas ang kanilang pagsasama kapag namatay sila. Ganoon ang bisa ng lahat ng kasal noon. Ngunit pagkatapos ay sinabi ng Panginoon kay Joseph na ang kasal at pagsasama ng pamilya ay maaaring maging walang hanggan.
Mga Banal, 1:470
Itinuro ng Panginoon kay Joseph ang tungkol sa walang hanggang kasal. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood, ang isang lalaki at isang babae ay maaaring makipagtipan sa Panginoon. Kung tutuparin nila ang kanilang tipan, ipinapangako ng Panginoon na ang kanilang pagsasama ay magiging walang-hanggan. Ang tawag dito ay pagbubuklod. Hindi nagtagal, nabuklod sina Joseph at Emma para sa kawalang-hanggan.
Doktrina at mga Tipan 132:7, 19–24; Mga Banal, 1:471, 494–95, 549–50, 562, 573–75
Nalaman din ni Joseph na kapag nabuklod ang isang lalaki at babae, ang kanilang mga anak ay mabubuklod sa kanila. Dahil sa kapangyarihan ni Jesucristo, ang kanilang pamilya ay maaaring maging walang hanggan. Nang sabihin ni Joseph sa mga Banal ang tungkol sa pagpapalang ito, tuwang-tuwa sila! Hindi na sila makapaghintay pa na mabuklod nang sama-sama.
Doktrina at mga Tipan 131:2; 132:6–7; Mga Banal, 1:562–63, 662
Kalaunan ay itinuro ng Panginoon na ang mga pagbubuklod ay dapat gawin sa templo. Nagsikap ang mga Banal na tapusin ang templo sa Nauvoo para sila mabuklod nang sama-sama. Nang handa na ang templo, maraming pamilya ang nabuklod. Nabuklod din sila sa kanilang mga kapamilya na namatay na. Nagpapasalamat sila para sa pagpapalang ito!
Mga Banal, 1:660–62