Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Naglakbay si Jane Manning Patungo sa Nauvoo


“Naglakbay si Jane Manning Patungo sa Nauvoo,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Naglakbay si Jane Manning Patungo sa Nauvoo,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

1841–1843

2:58

Naglakbay si Jane Manning Patungo sa Nauvoo

Paglalakad nang may Pananampalataya sa Panginoon

Si Jane Manning na binibinyagan.

Si Jane Manning at ang kanyang pamilya ay nakatira sa isang lugar kung saan may ilang tao na hindi sila gusto at tinatrato sila nang hindi maganda dahil sa kulay ng kanilang balat. Isang araw, narinig ni Jane ang pagtuturo ng isang missionary. Alam niyang totoo ang mensahe nito. Nang sumunod na Linggo, nabinyagan siya.

Mga Banal, 1:571–573

Si Jane at ang kanyang pamilya na nagsisimulang maglakbay patungo sa Nauvoo.

Sumapi rin sa Simbahan ang pamilya ni Jane. Nais ng Panginoon na magtipon ang mga Banal sa Nauvoo. Mahal ni Jane ang Panginoon. Gusto niya at ng kanyang pamilya na makasama ang iba pang mga Banal. Kaya nagsimula sila sa kanilang paglalakbay patungo sa Nauvoo.

Doktrina at mga Tipan 124:25; Mga Banal, 1:572–73

Si Jane at ang kanyang pamilya na hindi pinasakay sa barko.

Sa kanilang paglalakbay, sumakay sila ng barko. Karamihan sa mga tao sa barko ay maaaring magbayad pagkatapos ng biyahe. Pero may mga lalaki na nagsabi sa pamilya ni Jane na kailangan nilang magbayad muna. Wala silang sapat na pera. Pinababa sila ng mga lalaki sa barko, at umalis ito nang hindi sila kasama.

Mga Banal, 1:572–573

Si Jane at ang kanyang pamilya na naglalakad patungo sa Nauvoo.

Kailangan pa ring maglakbay ng pamilya ni Jane ng 800 milya, o 1,300 kilometro. Kailangan nilang tawirin ang malalim na batis na walang tulay. Kailangan nilang matulog sa labas. Madalas ay napakalamig ng panahon. Pero determinado ang pamilya ni Jane na makarating sa Nauvoo. Pinasaya nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkanta habang naglalakad.

Mga Banal, 1:572–73, 576–77

Inaalagaan ni Jane ang isang kapamilya.

Patuloy na naglakad si Jane at ang kanyang pamilya hanggang sa mapudpod ang kanilang mga sapatos at sumakit ang kanilang mga paa. Pero nang manalangin sila sa Diyos para humingi ng tulong, pinagaling Niya ang kanilang mga paa.

Mga Banal, 1:576–77

Si Jane at ang kanyang pamilya na tumutulong sa isang batang may sakit.

Tinulungan nila ang mga taong nakilala nila sa kanilang paglalakbay. Tumulong din sila sa pagpapagaling ng isang batang may sakit dahil sa kanilang pananampalataya.

Mga Banal, 1:576–78

Sina Emma at Joseph na malugod na tinatanggap si Jane sa kanilang tahanan.

Sa wakas, nakarating din si Jane at ang kanyang pamilya sa Nauvoo! Pagod sila at kailangan nila ng lugar na matutuluyan. Kaya nagpunta sila sa bahay nina Emma at Joseph. Nang marinig ni Joseph ang lahat ng pinagdaanan nila, sinabi niya kay Jane, “Pagpalain ka ng Diyos. Kayo ay nasa piling ngayon ng inyong mga kaibigan.” Inanyayahan nina Joseph at Emma si Jane na tumira sa kanila.

Mga Banal, 1:578