2021
Hindi Nagtagumpay ang Libingan
Mayo 2021


“Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Hindi Nagtagumpay ang Libingan

Mga Sipi

Jesucristo

May mga sandali sa ating buhay, na nagdadalamhati tayo sa pagkawala ng taong labis nating minamahal. Dahil sa kasalukuyang pandaigdigang pandemyang ito, marami sa atin ang nawalan ng mahal sa buhay—mga kapamilya man o mga kaibigan. Ipinagdarasal namin ang mga taong ipinagdadalamhati ang gayong kawalan. …

Mapagwawari natin kung ano ang nadama ng mga kaibigan ni Jesus, yaong mga sumunod sa Kanya at naglingkod sa Kanya, nang masaksihan ang Kanyang kamatayan. Alam nating sila ay “[nagluksa] at [tumangis]” [Marcos16:10]. …

… Noong ako ay siyam na taong gulang, namatay ang aking kuya dahil sa mapaminsalang lindol. Dahil nangyari ito nang hindi inaasahan, matagal bago ko napagtanto ang realidad ng pangyayari. Nanlumo ako sa lungkot, at tinanong ko ang aking sarili, “Ano’ng nangyari sa kapatid ko? Nasaan siya? Saan siya pumunta? Makikita ko ba siyang muli?” …

Mga 40 taon kalaunan, sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay, pinagninilayan ko ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo at nagsimulang isipin ang aking kapatid. …

Nang araw na iyon, napagtanto ko na inaliw ako ng Espiritu sa napakalungkot na panahon. Nakatanggap ako ng patotoo na ang espiritu ng aking kapatid ay hindi patay; siya ay buhay. Patuloy siyang umuunlad sa kanyang walang hanggang pag-iral. Alam ko na ngayon na “muling mabubuhay ang [aking] kapatid” [Juan 11:23] sa kagila-gilalas na sandaling iyon kung kailan, dahil kay Jesucristo, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli.