2021
Templo’y Ibig Makita
Mayo 2021


“Templo’y Ibig Makita,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021, Mayo 2021.

Sesyon sa Sabado ng Umaga

Templo’y Ibig Makita

Mga Sipi

templo

Durban South Africa Temple

Alam ko na ang mga templo ng Panginoon ay mga banal na lugar. Ang layunin ko ngayon sa pagbanggit sa mga templo ay upang dagdagan ang hangarin ko at ninyo na maging karapat-dapat at handa para sa mas maraming pagkakataon para sa mga karanasan sa templo na darating para sa atin. …

Kung kayo o ako ay pupunta sa templo nang hindi sapat ang kadalisayan, hindi natin makikita, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang mga espirituwal na turo tungkol sa Tagapagligtas na matatanggap natin sa templo.

Kapag karapat-dapat tayong matanggap ang gayong turo, maaaring lumago sa pamamagitan ng ating karanasan sa templo ang pag-asa, kagalakan, at pagiging positibo sa buong buhay natin. Ang pag-asa, kagalakan, at pagiging positibong iyon ay matatamo lamang sa pagtanggap ng mga ordenansang isinasagawa sa mga banal na templo. Sa templo natin matatanggap ang katiyakan ng mapagmahal na mga ugnayan ng pamilya na magpapatuloy pagkatapos ng kamatayan at magtatagal hanggang sa kawalang-hanggan. …

… At alam natin na ang ating walang-hanggang kaligayahan ay nakasalalay sa ating paggawa sa abot ng ating makakaya na ialok ang gayong nagtatagal na kaligayahan sa ating mga kamag-anak hangga’t maaari.

Nadarama ko rin ang hangaring iyon na magtagumpay sa pag-anyaya sa buhay na mga kapamilya na hangaring maging karapat-dapat na tanggapin at igalang ang mga ordenansa ng pagbubuklod sa templo. Bahagi iyon ng ipinangakong pagtitipon ng Israel sa mga huling araw sa magkabilang panig ng tabing.