2021
Magbasbas sa Kanyang Pangalan
Mayo 2021


“Magbasbas sa Kanyang Pangalan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon ng Priesthood

Magbasbas sa Kanyang Pangalan

Mga Sipi

binatilyong nagpapasa ng sakramento

Ang layunin ng pagtanggap natin ng priesthood ay tulutan tayong basbasan ang mga tao para sa Panginoon, na ginagawa iyon sa Kanyang pangalan.

Pagkalipas ng ilang taon matapos kong maging deacon ay saka ko nalaman ang talagang kahulugan nito. Halimbawa, bilang high priest, ako ay naatasang bumisita sa isang care center sacrament meeting. Hinilingan ako na magpasa ng sakramento. Sa halip na isipin ang tungkol sa proseso o katumpakan sa paraan ng pagpapasa ko ng sakramento, tiningnan ko ang mukha ng bawat matanda. Nakita ko ang marami sa kanila na umiiyak. Isang babae ang hinawakan ako sa manggas, tumingala, at malakas na sinabi, “O, salamat, salamat.”

Pinagpala ng Panginoon ang aking paglilingkod na ibinigay sa Kanyang pangalan. Noong araw na iyon, ipinagdasal ko na dumating ang gayong himala sa halip na ipanalangin ang tungkol sa kahusayan ko sa paggawa ng aking tungkulin. Ipinagdasal ko na madama ng mga tao ang pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng aking magiliw na paglilingkod. Nalaman ko na ito ang pinakamahalagang aspeto sa paglilingkod at pagbabasbas sa iba sa Kanyang pangalan. …

Naniniwala akong matutupad natin ang ating paglilingkod sa priesthood sa buong buhay natin at marahil sa kabilang-buhay. Nakasalalay ito sa ating masigasig na pagsisikap na malaman ang kalooban ng Panginoon at sa ating pagsisikap na marinig ang Kanyang tinig upang malaman natin nang mas mabuti kung ano ang nais Niya para sa taong pinaglilingkuran natin para sa Kanya. Ang pagtupad na iyon ay darating nang paunti-unti. Maaaring mabagal itong dumating, ngunit darating ito.