2021
COVID-19 at mga Templo
Mayo 2021


“COVID-19 at mga Templo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

COVID-19 at mga Templo

Mga Sipi

templo

Sa unang bahagi ng nakaraang taon, dahil sa pandemyang COVID-19 at sa ating pagnanais na maging mabubuting mamamayan ng mundo, ginawa namin ang mahirap na desisyong isara ang lahat ng templo nang pansamantala. Nang sumunod na mga buwan, nadama namin na graduwal na buksan ang mga templo sa maingat na pamamaraan. Ang mga templo ay kasalukuyang binubuksan sa apat na phase, na mahigpit na sumusunod sa mga lokal na patakaran ng gobyerno at pamamaraan sa kaligtasan. …

Nagpapasalamat kami sa inyong pagtitiyaga at tapat na paglilingkod sa nagbabago at puno ng hamon na panahong ito. Dalangin ko na ang hangarin ninyong sumamba at maglingkod sa templo ay maging higit na mas malakas.

Maaaring iniisip ninyo kung kailan kayo makababalik sa templo. Ang sagot: Ang inyong templo ay magbubukas kapag pinayagan na ito ng inyong lokal na pamahalaan. …

Sa ngayon, laging tandaan ang inyong mga tipan at biyaya sa templo sa inyong puso at isipan. Maging tapat sa mga tipan na ginawa ninyo.

Tayo ay nagtatayo ngayon para sa hinaharap! …

Nais naming mas ilapit ang bahay ng Panginoon sa ating mga miyembro, upang magkaroon sila ng sagradong pribilehiyo na makapunta sa templo sa abot ng makakaya nila. …

Ang mga templo ay mahalagang bahagi ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kabuuan nito. Pinupuno ng mga ordenansa ng templo ang ating buhay ng kapangyarihan at lakas na hindi makukuha sa ibang paraan. Nagpapasalamat tayo sa Diyos para sa mga pagpapalang ito.