2021
Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa
Mayo 2021


“Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Linggo ng Umaga

Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa

Mga Sipi

si Jesucristo na pinagagaling ang isang lalaki

Nagsasaya ang puso ko sa pag-alaala sa pinakakahanga-hanga, sa pinakadakila, sa pinaka-hindi masusukat na gawaing nangyari sa buong kasaysayan ng sangkatauhan—ang nagbabayad-salang sakripisyo ng ating Panginoong Jesucristo. …

Maluwag sa kaloobang tinupad ni Cristo ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggan at puno ng awang sakripisyo. Dinaig Niya ang hapdi ng pisikal at espirituwal na kamatayan, na pinasimulan sa daigdig sa pamamagitan ng Pagkahulog, inihahandog sa atin ang maluwalhating posibilidad ng walang-hanggang kaligtasan. …

Bagama’t sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo, walang pasubaling inalis ng Tagapagligtas ang mga epekto ng pisikal na kamatayan, hindi Niya tinanggal ang ating personal na tungkuling pagsisihan ang mga kasalanang nagagawa natin. …

Mga minamahal kong kaibigan, pinatototohanan ko na kapag tunay nating pinagsisisihan ang ating mga kasalanan, pinahihintulutan natin ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Cristo na maging ganap na mabisa sa buhay natin. …

Dagdag pa sa paglalaan ng dakilang kaloob na kaligtasan, nag-aalok sa atin ang Tagapagligtas ng kaginhawahan at kapanatagan habang hinaharap natin ang ating mga paghihirap, tukso, at kahinaan sa buhay na ito, kabilang ang mga kalagayang naranasan natin kamakailan sa kasalukuyang pandemya. …

Sa ating paglapit sa Kanya, na espirituwal na isinusuko ang ating sarili sa Kanyang pangangalaga, magagawa nating pasanin sa ating sarili ang Kanyang pamatok, na madaling dalhin, at Kanyang pasan, na magaan, sa gayon ay mahahanap yaong ipinangakong kapanatagan at kapahingahan. Dagdag pa rito, makatatanggap tayo ng lakas na kinakailangan nating lahat upang malampasan ang mga paghihirap, kahinaan, at kalungkutan sa buhay, na napakahirap tiisin kung wala ang Kanyang tulong at nagpapagaling na kapangyarihan.