“Hindi Gaya ng Ibinibigay ng Sanlibutan” Para sa Lakas ng Kabataan, Mayo 2021.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Hindi Gaya ng Ibinibigay ng Sanlibutan
Mga Sipi
Ang karahasan at pagtatalo ay isa sa mga kapansin-pansing katangian ng mga relasyon sa mga huling araw. …
Mga kapatid, marami tayong nakikita na pagtatalo, galit, at kapalastanganan sa ating paligid. …
… Kaya, ngayong Pasko ng Pagkabuhay subukan nating mamuhay nang payapa sa personal na paraan, na ginagamit ang biyaya at nagpapagaling na balsamo ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo sa ating sarili at sa ating mga pamilya at sa mga nasa paligid natin.
… Kailangan natin ang tinatawag ng mga banal na kasulatan na “mga kapangyarihan ng langit,” at upang matamo ang mga kapangyarihang ito kailangan nating ipamuhay ang sinasabi sa mga banal na kasulatan ding iyon na “mga alituntunin ng kabutihan” [Doktrina at mga Tipan 121:36]. …
… Ang mga alituntunin ng kabutihan ay kinabibilangan ng mga katangiang tulad ng pagtitiyaga, mahabang pagtitiis, kahinahunan, at hindi pakunwaring pag-ibig. Kung wala ang mga alituntuning iyon, tiyak na makararanas tayo sa huli ng hidwaan at poot. …
… Bukas ay Pasko ng Pagkabuhay, isang panahon para sa mga alituntunin ng kabutihan ng ebanghelyo ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala na “mangibabaw”—mangibabaw sa hidwaan at pagtatalo, mangibabaw sa kalungkutan at pagsuway, at sa huli ay mangibabaw sa kamatayan. …
Sa kabila ng pagtataksil at sakit, pang-aabuso at kalupitan, at habang pasan ang pinagsama-samang kasalanan at kalungkutan ng buong sangkatauhan, ang Anak ng buhay na Diyos ay tumingin sa mahabang landas ng mortalidad, nakita tayo ngayong Sabadong ito, at nagsabing: “Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man” [Juan 14:27]. Nawa ay magkaroon kayo ng pinagpala, masaya, at payapang Pasko ng Pagkabuhay.