2021
Ang Ating mga Natututuhan at Hindi Malilimutan Kailanman
Mayo 2021


“Ang Ating mga Natututuhan at Hindi Malilimutan Kailanman,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon ng Priesthood

Ang Ating mga Natututuhan at Hindi Malilimutan Kailanman

Mga Sipi

langit

Ang huling sesyon ng priesthood ng pangkalahatang kumperensya na idinaos natin ay noong Abril 2019. Napakarami nang nangyari nitong nakalipas na dalawang taon! …

… Magmumungkahi ako ng apat na aral sa buhay na umaasa akong natutuhan nating lahat at hindi kailanman malilimutan.

Unang Aral: Ang Tahanan ang Sentro ng Pananampalataya at Pagsamba …

… Ang mga kasalukuyang restriksyon sa pagtitipon ay magwawakas din kalaunan. Gayunpaman, ang matibay na pangako ninyong gawing pangunahing santuwaryo ng pananampalataya ang inyong tahanan ay hindi dapat matapos kailanman. …

Pangalawang Aral: Kailangan Natin ang Isa’t isa

… Mas marami tayong maisasagawa nang magkakasama kaysa mag-isa lang tayo. Ang plano ng kaligayahan ng Diyos ay mahahadlangan kung mananatiling malayo sa isa’t isa ang Kanyang mga anak. …

Kung may kilala kayong sinuman na nag-iisa, tulungan siya—kahit sa pakiramdam ninyo ay nag-iisa rin kayo! …

Pangatlong Aral: Ang Inyong Korum ng Priesthood ay Hindi Nilayong Maging Isang Pagpupulong Lamang

… Ang mga pulong ay maliit na bahagi lamang ng layunin ng korum at ng magagawa nito.

… May natatanging katayuan ang mga korum na mapag-ibayo ang pagtitipon ng Isarel sa magkabilang panig ng tabing.

Pang-apat na Aral: Mas Naririnig Natin si Jesucristo Kapag Tahimik Tayo

… Ang kaguluhan sa mundo ay patuloy na madaragdagan. Sa kabaligtaran, ang tinig ng Panginoon ay … “tahimik na tinig nang ganap na kahinahunan, sa wari’y isang bulong, at ito ay [tumatagos] maging sa buong kaluluwa” [Helaman 5:30]. Upang marinig ang tahimik na tinig na ito, kayo ay dapat na tahimik din! …

Mahal kong mga kapatid, maraming bagay ang nais ng Panginoon na matutuhan natin mula sa ating mga karanasan sa panahong ito ng pandemya. Naglista lamang ako ng apat. Inaanyayahan ko kayo na gumawa ng sarili ninyong listahan, pag-aralan ito nang mabuti, at ibahagi ito sa mga taong mahal ninyo.