2021
Pagtatanggol sa Ating Saligang-Batas na Binigyang-Inspirasyon ng Langit
Mayo 2021


“Pagtatanggol sa Ating Saligang-Batas na Binigyang-Inspirasyon ng Langit,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Linggo ng Hapon

Pagtatanggol sa Ating Saligang-Batas na Binigyang-Inspirasyon ng Langit

Mga Sipi

pakpak na panulat, mga aklat, at scroll

Sa magulong panahong ito, nadama kong magsalita tungkol sa binigyang-inspirasyong Saligang-Batas ng Estados Unidos. Ang Saligang-Batas na ito ay may espesyal na kahalagahan sa ating mga miyembro sa Estados Unidos, ngunit karaniwan din itong batayan ng mga saligang-batas sa iba’t ibang panig ng mundo. …

Ang ating paniniwala sa mga inspirasyon ng langit ay nagbibigay sa mga Banal sa mga Huling Araw ng natatanging responsibilidad na panindigan at ipagtanggol ang Saligang-Batas ng Estados Unidos at ang mga alituntunin ng konstitusyonalismo saan man tayo naninirahan. Dapat tayong magtiwala sa Panginoon at maging positibo sa hinaharap ng bansang ito.

Ano ang dapat gawin ng matatapat na Banal sa mga Huling Araw? Dapat tayong manalangin na gabayan at basbasan ng Panginoon ang lahat ng bansa at ang mga pinuno ng mga ito. Bahagi ito ng ating saligan ng pananampalataya. Ang pagpapasailalim sa mga pangulo o pinuno ay hindi balakid sa ating magkakasalungat na indibiduwal na batas o patakaran. Kinakailangang gamitin natin ang ating impluwensya nang magalang at mapayapa alinsunod sa mga balangkas na itinaguyod ng ating mga saligang-batas at naaangkop na batas. Sa mga pinagtatalunang isyu, dapat nating hangarin na mamagitan at magtaguyod ng pagkakaisa.

May iba pang tungkulin na bahagi ng paninindigan para sa binigyang-inspirasyong Saligang-Batas. Dapat nating matutuhan at isulong ang mga binigyang-inspirasyong alituntunin ng Saligang-Batas. Dapat nating hanapin at suportahan ang matatalino at mabubuting tao na sumusuporta sa mga alintuntuning iyon sa kanilang mga pampublikong gawain (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 98:10). Dapat tayong maging mga mamamayang may alam at aktibo sa pagpapadama ng ating impluwensya sa mga gawaing sibika.