“Silid sa Bahay-Panuluyan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Silid sa Bahay-Panuluyan
Mga Sipi
Sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, inaanyayahan tayo ni Jesucristo na maging mabuting Samaritano, katulad Niya, na gawing kanlungan ang Kanyang Bahay-Panuluyan (Kanyang Simbahan) para sa lahat mula sa mga pasakit at unos sa buhay. …
Kapag pumasok tayo sa Bahay-Panuluyan kasama ang Mabuting Samaritano, malalaman natin ang limang bagay tungkol kay Jesucristo at sa ating sarili.
Una, pumapasok tayo sa Bahay-Panuluyan bilang tayo, may mga kahinaan at kapintasan na taglay ng bawat isa sa atin. Subalit tayong lahat ay may mahalagang maiaambag. Kadalasan ay natatagpuan natin ang ating daan pabalik sa Diyos nang magkakasama. …
Pangalawa, pinakikiusapan Niya tayong gawin ang Kanyang Bahay-Panuluyan na isang lugar ng biyaya at puwang, kung saan makapagtitipon ang bawat isa, na may silid para sa lahat. Bilang mga disipulo ni Jesucristo, lahat ay pantay-pantay, walang mas mababa. …
Pangatlo, sa Kanyang Bahay-Panuluyan natututuhan natin na ang pagiging perpekto ay na kay Jesucristo, hindi sa pagiging perpekto ng mundo. … Inaanyayahan Niya ang bawat isa sa atin na maging mabuting Samaritano, huwag masyadong mapanghusga at maging mas mapagpatawad sa ating sarili at sa bawat isa. …
Pang-apat, … dinadala Niya tayo sa Kanyang Bahay-Panuluyan at gayundin sa Kanyang bahay—ang banal na templo … kung saan … maaari tayong linisin at damitan ng Mabuting Samaritano, ihanda tayo sa pagbalik sa presensya ng Diyos, at pagkaisahin tayo magpasawalang-hanggan sa pamilya ng Diyos. …
Sa huli, ang panglima, nagagalak tayo na mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak sa magkakaiba nating pinagmulan at sitwasyon, sa bawat bansa, lahi, at wika, na may silid para sa lahat sa Kanyang Bahay-Panuluyan. …
Ang ating Mabuting Samaritano ay nangangakong babalik. Nangyayari ang mga himala kapag nagmamalasakit tayo sa isa’t isa na tulad ng gagawin Niya.