“Ang Personal na Paglalakbay ng Isang Anak ng Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.
Sesyon sa Sabado ng Hapon
Ang Personal na Paglalakbay ng Isang Anak ng Diyos
Mga Sipi
Ang bawat tao na dumarating dito sa mundo ay natatanging anak na lalaki o anak na babae ng Diyos. Ang ating personal na paglalakbay ay hindi nagsisimula sa pagsilang. Bago tayo isinilang, magkakasama tayo sa isang mundo ng paghahanda kung saan tayo ay “tumanggap ng [ating] mga unang aral sa daigdig ng mga espiritu” [Doktrina at mga Tipan 138:56]. …
Bilang mga pinagtipanang anak ng Diyos, tayo ay nagmamahal, gumagalang, nag-aalaga, pumuprotekta, at tumatanggap sa mga espiritung iyon na mula sa premortal na mundo. …
… [Sinabi ni] Pangulong Gordon B. Hinckley: “… Ang pagpapalaglag ay masama … na lumalaganap sa buong mundo.”
… Ibahagi natin ang ating matinding damdamin tungkol sa kabanalan ng buhay sa mga gumagawa ng desisyon sa lipunan. Hindi man nila lubos na pahalagahan ang pinaniniwalaan natin, ngunit ipinagdarasal natin na mas lubos nilang maunawaan kung bakit, para sa atin, ang mga desisyong ito ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang gusto ng isang tao para sa kanyang sariling buhay. …
Pinatototohanan ko na ang inyong sariling personal na paglalakbay bilang anak ng Diyos ay hindi nagsimula sa unang paghinga ninyo noong kayo ay ipanganak, at hindi ito magtatapos sa inyong huling hininga sa mortalidad.
Nawa ay palagi nating maalala na ang bawat espiritung anak ng Diyos ay dumarating dito sa mundo sa kanyang sariling personal na paglalakbay. Nawa ay tanggapin natin sila, protektahan sila, at palagi silang mahalin. Sa pagtanggap ninyo sa itinatangi na mga batang ito sa pangalan ng Tagapagligtas at pagtulong sa kanila sa kanilang walang-hanggang paglalakbay, ipinapangako ko sa inyo na pagpapalain kayo ng Panginoon at saganang ibibigay sa inyo ang Kanyang pagmamahal at pagsang-ayon.