2021
Mga Bishop—Mga Pastol sa Kawan ng Panginoon
Mayo 2021


“Mga Bishop—Mga Pastol sa Kawan ng Panginoon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Priesthood

Mga Bishop—Mga Pastol sa Kawan ng Panginoon

Mga Sipi

pagkakamayan

Ang bishop ay may napakahalagang gawain sa paglilingkod bilang pastol upang magabayan ang bagong henerasyon, kabilang ang mga young single adult, patungo kay Jesucristo. …

Maaaring itanong ninyo, “Bakit iniutos sa bishop na maglaan ng malaking oras sa mga kabataan?” Inorganisa ng Panginoon ang Kanyang Simbahan upang magawa ang mahahalagang prayoridad. Naaayon dito, ang organisasyon ng Kanyang Simbahan ay may kaayusan kung saan may dalawang responsibilidad ang bishop. Mayroon siyang doktrinal na responsibilidad sa buong ward, ngunit mayroon din siyang partikular na doktrinal na responsibilidad sa priests quorum. …

Maaaring marami sa inyo na mga mahal na kabataan ang hindi pa malinaw na nauunawaan kung sino kayo at kung ano ang maaari kayong maging. Gayunman, nasa harap ninyo ang pinakamahahalagang desisyong gagawin ninyo sa buhay. Humingi ng payo sa inyong mga magulang at bishop tungkol sa mahahalagang pagpili na gagawin ninyo. Gawing kaibigan at tagapayo ninyo ang bishop.

Alam namin na maraming nakapaligid na mga pagsubok at tukso sa inyo. Kailangan nating lahat na magsisi araw-araw, tulad ng itinuro ni Pangulong Nelson. Makipag-usap sa inyong bishop tungkol sa anumang bagay na matutulungan kayo ng isang pangkalahatang hukom upang maisaayos ang buhay ninyo sa Panginoon bilang paghahanda sa “dakilang gawain” Niya para sa inyo sa huling dispensasyong ito. Tulad ng paanyaya sa inyo ni Pangulong Nelson, gawing marapat ang inyong sarili na maging bahagi ng batalyong kabataan ng Panginoon!