2021
Nakagagalit na Kawalang-Katarungan
Mayo 2021


“Nakagagalit na Kawalang-Katarungan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Sabado ng Hapon

Nakagagalit na Kawalang-Katarungan

Mga Sipi

Jesucristo

Ang kawalang-katarungan ay maaaring tila hindi tugma sa katotohanan na may mabait at mapagmahal na Ama sa Langit. Subalit Siya ay totoo, Siya ay mabait, at sakdal ang pagmamahal Niya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. …

Hindi maipaliliwanag ang ilang kawalang-katarungan; nakagagalit ang kawalang-katarungang hindi maipaliwanag. … Ang mortal na buhay ay likas na hindi makatarungan. …

… Ipinapahayag ko nang may buong pusong nasasaktan na nauunawaan ni Jesucristo ang kawalang-katarungan at may kapangyarihan Siyang maglaan ng lunas. … Lubos Niyang nauunawaan ang nararanasan natin. …

… Sa mga kawalang-hanggan, lulutasin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang lahat ng kawalang-katarungan. Nauunawaan natin na nais nating malaman kung paano at kailan. Paano Nila gagawin iyon? Kailan Nila gagawin iyon? Sa pagkakaalam ko, hindi pa Nila naihahayag kung paano o kailan. Ang alam ko ay gagawin Nila iyon. …

Maaari nating subuking saka na lamang itanong kung paano at kailan at magtuon tayo sa pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. …

Kapag nagkaroon tayo ng pananampalataya kay Jesucristo, dapat din nating sikaping maging katulad Niya. Pagkatapos ay pakikitunguhan natin ang iba nang may habag at susubukan nating bawasan ang kawalang-katarungan kung saan man natin ito matagpuan. …

Huwag hayaan ang kawalang-katarungan na patigasin kayo o pahinain ang inyong pananampalataya sa Diyos. Sa halip, humingi ng tulong sa Diyos. Dagdagan ang inyong pagpapahalaga at pananalig sa Tagapagligtas. …

… Ang inyong pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay gagantimpalaan nang higit pa sa inaakala ninyo. Lahat ng kawalang-katarungan—lalo na ang nakagagalit na kawalang-katarungan—ay ilalaan para sa inyong kapakinabangan.