“Isang Pakikipag-usap kay Gabby tungkol sa Paglilingkod sa Simbahan,” Kaibigan, Setyembre 2025, 40–41.
Isang Pakikipag-usap kay Gabby tungkol sa Paglilingkod sa Simbahan
Si Gabby ay isang 11-taong-gulang na bata mula sa Harare, Zimbabwe. Tinanong namin siya ng ilang bagay tungkol sa pagkumpas sa musika sa simbahan.
Magkuwento sa amin tungkol sa iyong sarili.
Mahilig akong magluto ng mga panghimagas at masarap na pagkain at tumugtog ng marimba. Kumakanta ako at sumasayaw, at nag-aaral akong tumugtog ng plauta, xylophone, at piyano.
Magkuwento sa amin tungkol sa bago mong assignment.
Hinilingan ako ng bishop na tumulong sa pagkumpas sa musika sa sacrament meeting. Hindi ko inasahan iyon at akala ko ay pipili sila ng mas matanda sa akin. Pero nakaramdam din ako na minamahal ako at masaya ako dahil mahilig ako sa musika.
Kung minsa’y natatakot pa rin ako na baka magkamali ako sa pagkanta at marinig ito ng mga tao. Pero tinutulungan ako ng Espiritu Santo na maging komportable sa harap ng lahat. Ngayong nasasanay na ako, nakakatuwa talaga ito!
Ano ang pakiramdam ng kumumpas sa musika para sa pagtatanghal ng mga bata sa sacrament meeting?
Nakakatakot iyon noong una Habang nagpapraktis kami, kung minsa’y nakakalimutan ko ang ilan sa mga salita. Kaya nagpraktis akong kumanta na kasama ng nanay ko sa bahay, at malaki ang naitulong nito. Nang magpraktis kami sa Primary, nilakasan ko pa ang pagkanta para matulungan ang mga hindi marunong bumasa o hindi alam ang mga salita.
Tuwang-tuwa ako nang sumapit ang araw ng pagtatanghal. Naging maganda ang lahat. Nakaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan, at kusang dumating sa akin ang mga salita.
Ano ang natutuhan mo mula sa karanasang ito?
Natutuhan ko na kung minsa’y hindi perpekto ang mga bagay-bagay, pero OK lang at matututo ka mula roon. Inihanda rin ako ng pagkumpas sa musika sa Primary para sa bago kong assignment!
Ano ang maipapayo mo sa iba tungkol sa paglilingkod sa simbahan?
Kung minsa’y maaaring mahirap maglingkod sa harap ng maraming tao, pero tayong mga bata ay maaaring mamuno anuman ang ating edad o gaano man tayo kaliit o katangkad. Sasabihin ko sa kanila na kahit kung minsa’y maaari tayong papanghinain ng takot, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na makadama ng kapayapaan. Lagi Niya tayong tutulungang lumakas na muli.