2025
Pagsunod kay Jesus sa Puerto Rico
Setyembre 2025


“Pagsunod kay Jesus sa Puerto Rico,” Kaibigan, Setyembre 2025, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Puerto Rico

Kilalanin si Dariel

Batang lalaking nakangiti

Sinusunod ni Dariel si Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagdarasal. Sabi niya, “Gusto kong sundin si Jesus sa pamamagitan ng pag-alam ng iba pa tungkol sa Kanya.”

Sinusubukan din ni Dariel na sundin si Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Tinutulungan niya ang kanyang guro sa paglilinis ng mga laptop pagkatapos ng klase. Naglilingkod siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang mga alagang hayop at pagluluto ng hapunan. “Masaya ako kapag sinusunod ko si Jesus,“ sabi niya.

Tungkol kay Dariel

Batang lalaki kasama ang kanyang ama at dalawang pusa

Edad: 9

Mula sa: Caguas, Puerto Rico

Mga wika: Spanish, English

Mga mithiin: 1) Magmay-ari ng isang negosyo. 2) Magdisenyo ng mga video game.

Mga libangan: Maglaro ng mga video game at magbisikleta

Pamilya: Dariel, nanay, tatay, kuya, bunsong kapatid na babae

Batang lalaki kasama ang kanyang tatay, nanay, kuya, at bunsong kapatid na babae
Batang lalaking naglalaro ng isang game kasama ang kanyang bunsong kapatid na babae at tatay

Mga Paborito ni Dariel

Batang lalaking nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nang mabuhay na muli si Jesucristo

Holiday: Pasko

Pagkain: Arroz con habichuelas (kanin na may beans)

Prutas at gulay: Strawberry at kamote

Mga kulay: Puti, itim, pula

Awitin sa Primary:Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53)

PDF ng pahina