2025
Pagtatayo ng Nauvoo
Setyembre 2025


“Pagtatayo ng Nauvoo,” Kaibigan, Setyembre 2025, 26–28.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Pagtatayo ng Nauvoo

Mga Unang Banal na naninirahan sa mga tolda sa tabi ng pampang ng Ilog Mississippi

Inutusan ng Panginoon ang mga Banal na magtipon sa isang bagong lugar. Malapit iyon sa isang malaking ilog, kung saan basa at maputik ang lupa. Tila hindi ito magandang lugar para magtayo ng isang lungsod. Pero alam ni Propetang Joseph Smith na sa tulong ng Panginoon, mapapaganda nila ito.

Lalaking may pasan na kahoy, isang kabayo at bagon na may mga gamit sa pagtatayo ng gusali, at mga bahay na yari sa troso
Si Joseph Smith at ang iba pang kalalakihan na naglalagay ng bricks o mga ladrilyo habang nagtatayo sila ng isang bahay

Pinagsikapan ng mga Banal na gawin itong magandang lugar na matitirhan. Tinawag ni Joseph ang bayan na Nauvoo, na ibig sabihin ay “isang magandang lugar.”

Si Joseph Smith na nakaturo sa isang lugar sa burol para sa templo

Nais ng Panginoon na magtayo ng templo ang Kanyang mga Banal sa Nauvoo. Mabilis na nagsimulang magtrabaho ang mga tao.

Si Joseph Smith na nagtuturo sa iba pang mga Banal sa isang bahay

May malalaking pagpapalang ibibigay ang Panginoon sa Kanyang mga tao. Sa templo, gagawa sila ng mga tipan, o espesyal na mga pangako, sa Panginoon. Matututo rin sila tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit para sa lahat ng Kanyang mga anak.

Ang natapos na Nauvoo Temple

Nagtrabaho nang husto ang mga Banal para maitayo ang templo. Matagal bago nila ito natapos, pero tuwang-tuwa silang matuto tungkol sa espesyal na mga pangako ng Panginoon para sa kanila sa Kanyang templo.