2025
Hello mula sa Puerto Rico!
Setyembre 2025


“Hello mula sa Puerto Rico!” Kaibigan, Setyembre 2025, 8–9.

Hello mula sa Puerto Rico!

Ang Puerto Rico ay isang grupo ng mga isla sa Caribbean. Mahigit 3 milyong tao ang naninirahan doon.

Magandang Templo at Lungsod

Ang San Juan ang kabisera ng Puerto Rico. May templo sila roon! Mahigit 500 taong gulang na ang lungsod at maraming magagandang beach doon.

Kalye ng mga Payong

Ang Calle de la Fortaleza ay isang kalye na kadalasang may mga dekorasyong nakasabit sa pagitan ng mga gusali. Ang kalye ay napapalamutian ng makukulay na payong, saranggola, at bandila.

Kumikinang na Tubig

May tatlong baybaying bioluminescent sa Puerto Rico. Pinakikinang ng maliliit na organismo sa tubig ang tubig kapag gumagalaw ito! Mas makikita mo ito sa gabi.

Makukulay na Ibon

Ang Puerto Rican emerald hummingbird at ang Puerto Rican parrot ay matatagpuan lamang sa Puerto Rico.

Musika at Sayaw

Ang bomba ay isang uri ng musika at sayaw sa Puerto Rico. May kasama itong mga tambol, kantahan, at sayawan para magkuwento tungkol sa mga tao ng Puerto Rico.

PDF ng pahina

Larawan ng “Young Folk Dancers sa Puerto Rico [Mga Batang Katutubong Mananayaw sa Puerto Rico],” ni Bob Krist sa pamamagitan ng Getty Images