“Ang Aking Patotoo tungkol sa Musika,” Kaibigan, Setyembre 2025, 19.
Isinulat Mo
Ang Aking Patotoo tungkol sa Musika
Sa bansa namin, karamihan sa mga tao ay Katoliko. Nag-aaral ako sa isang eskuwelahang Katoliko.
Noong grade two ako, nagpatugtog ng musika ang aming guro habang ginagawa namin ang aming mga aktibidad para sa araw na iyon. Isang hapon, nagtanong siya kung mayroong gustong pumili ng isang awiting pakikinggan. Magwawalong-taong gulang ako noong taon na iyon at naghahanda para sa binyag ko. Naisip ko ang mga titik na “Hanap ko’y bahaghari.” Hiniling ko sa aking guro na patugtugin ang awiting “Sa Aking Pagkabinyag” mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pumayag naman ang aking guro at hinanap niya iyon.
Hindi nagtagal ay tumugtog ang awitin para marinig ng lahat sa klase. Noong una ay kakaiba ang tingin sa akin ng ilan sa mga kaklase ko, pero kalaunan ay nadama ko ang Espiritu Santo sa puso ko. Napuspos ako ng kapayapaan.
Noong araw na iyon nang umalis ako sa paaralan, masayang-masaya ako na naibahagi ko ang ebanghelyo sa mga kaklase ko sa pamamagitan ng paborito kong awitin sa Primary. Sa palagay ko magandang paraan iyon para maihanda akong anyayahan ang mga kaibigan ko sa aking binyag.
Larawang-guhit ni Simini Blocker