“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Setyembre 2025, 22–23.
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Setyembre 1–7: Doktrina at mga Tipan 94–97
Magtayo ng Isang Templo
Ang templo ay isang lugar kung saan tayo mapagpapala ng Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 95:8). Magtayo ng sarili mong templo gamit ang mga sugar cube, block, o mga bagay mula sa kalikasan! Magpadala sa amin ng larawan ng iyong ginawa! Pumunta sa pabalat sa likod para makita kung paano.
Setyembre 8–14: Doktrina at mga Tipan 98–101
Mapanatag
Itinuturo sa mga banal na kasulatan, “Mapanatag at malaman na ako ang Diyos” (Doktrina at mga Tipan 101:16). Ibig sabihin niyan na kapag nag-ukol tayo ng oras para maging mapitagan, madarama natin na malapit tayo sa Ama sa Langit. Laruin ang game na ito tungkol sa pagiging tahimik. Tatakbo ang isang tao at susubukang i-tag ang iba. Kapag na-tag ang isang tao, tatayo siya at hindi gagalaw. Bago siya makatakbong muli, magsasabi siya ng isang bagay na alam niya tungkol sa Ama sa Langit.
Setyembre 15–21: Doktrina at mga Tipan 102–105
Kandilang Papel
Maaari tayong maging ilaw para sa iba sa pagsunod sa halimbawa ni Jesucristo at sa paglilingkod sa iba (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 103:9). Pumunta sa pahina 13 para makagawa ng sarili mong kandilang papel!
Setyembre 22–28: Doktrina at mga Tipan 106–108
Mga Aktibidad sa Kumperensya
Mahalagang makinig sa propeta at mga apostol ng Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:22–23). Basahin ang isang kuwento sa pahina 4 tungkol sa pagtanggap ng mga sagot mula sa pangkalahatang kumperensya. Isulat ang sarili mong mga tanong sa pahina 6. Makakakita ka rin ng mga aktibidad na maaari mong gawin habang nakikinig ka sa kumperensya.
Mga larawang kuha ni Christina Smith