“Paglalaro nang Sama-sama,” Kaibigan, Setyembre 2025, 44–45.
Madaling Basahin
Paglalaro nang Sama-sama
Isang kuwento sa tunay na buhay mula sa USA.
Nalulungkot si Diego. Lumipat kasi sa ibang lugar ang pamilya niya. Nangulila siya sa mga kaibigan niya sa dati nilang bahay.
Nakipaglaro ngayon si Diego sa kanyang mas batang kapatid na si Cara. Pero gusto rin niya ng isang bagong kaibigan.
Hindi nagtagal ay may lumipat na pamilya sa kabilang pintuan. Mayroon silang isang maliit pang anak na lalaki, tulad niya! Ang pangalan niya ay Sam.
Araw-araw na magkasamang naglaro sina Diego at Sam.
Isang araw habang naglalaro sila, nakita ni Diego na malungkot si Cara. Nalulungkot din siguro siya.
“Gusto mo bang makipaglaro sa amin?” tanong ni Diego.
Ngumiti nang husto si Cara. “Laro!”
Magkakasamang naglaro ng mga laruang tren sina Diego, Sam, at Cara. Pabalik-balik nilang itinulak ang mga laruang kotse ng tren. “Choo-choo!” Ngumiti si Diego. Masaya siya, at gayundin si Cara!
Mga larawang-guhit ni Natalie Briscoe