“Ang Kapangyarihan ng Diyos ay Isang Kaloob!” Kaibigan, Setyembre 2025, 20–21.
Ang Kapangyarihan ng Diyos ay Isang Kaloob!
Hango sa “Maging Marapat Kayo sa Inyong mga Pribilehiyo,” Liahona, Nob. 2024, 7–10.
Kamakailan lamang ay bumisita ako sa Harmony, Pennsylvania, USA. Doon, sa ilalim ng mga puno ng maple, ipinanumbalik ang priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Nagpunta rin ako sa bahay na tinirhan nina Joseph at Emma Smith. Sa loob, tumayo ako sa may bintana at pinag-isipan ko kung ano ang inisip ni Emma nang tumingin siya sa bintanang iyon.
Binigyan ng Panginoon si Emma ng mahalagang mensahe sa pamamagitan ng Kanyang propetang si Joseph. Mababasa natin ang mensaheng ito sa Doktrina at mga Tipan 25.
Una, itinuro ng Panginoon kay Emma na may lugar siya sa Kanyang plano. Ipinaalala niya sa kanya na siya ay isang anak na babae sa Kanyang kaharian.
Pangalawa, binigyan siya ng Panginoon ng isang layunin. Si Emma ay may mahalagang bahagi sa Pagpapanumbalik. Inutusan siyang ituro ang mga banal na kasulatan at gawin ang unang aklat ng mga himno!
Ang panghuli, itinuro ng Panginoon kay Emma ang tungkol sa kanyang mga tipan. Ang pagtupad sa mga tipan ay tutulong sa kanya na madama ang Espiritu, maging mas mabuti, at tumanggap ng patnubay para sa kanyang buhay.
Umaasa ako na matututuhan ninyo kung paano pahihintulutan ng mga ordenansa ng priesthood at ng mga pangako ng tipan ang kapangyarihan ng Diyos sa inyong buhay. Tayong lahat ay maaaring magkaroon ng access sa kaloob na kapangyarihan ng Diyos. Tuwing tumatanggap tayo ng sakramento. Tuwing pumapasok tayo sa templo.
Music Toss Game
Inutusan si Emma Smith na gawin ang unang aklat ng mga himno. Kumakanta pa rin tayo ng mga himno ngayon! Maghalinhinan sa paghahagis ng isang barya o iba pang maliit na bagay sa pisara. Kapag bumagsak ito sa isang larawan, mag-isip ng isang kanta tungkol sa paksang iyon. Pagkatapos ay sama-sama ninyong kantahin iyon!
Mga larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney