2025
Mga Aktibidad sa Kumperensya
Setyembre 2025


“Mga Aktibidad sa Kumperensya,” Kaibigan, Setyembre 2025, 6–7.

Mga Aktibidad sa Kumperensya

Dahil sa satellite technology, maaaring makinig ang mga tao sa kumperensya sa buong mundo. Gawin ang mga aktibidad na ito habang nakikinig ka!

Kulayan Ayon sa Simbolo

Kapag sinimulan ng isang bagong tagapagsalita ang kanyang mensahe, pumili ng isang simbolo mula sa listahan sa ibaba. Pagkatapos ay gamitin ang kulay na iyon para punan ang mga hugis habang nakikinig ka.

Maze ng Pakikinig

Bakatin ang maze na ito gamit ang iyong daliri para matulungan kang makinig nang tahimik sa pangkalahatang kumperensya. Pagkatapos ay gumamit ng hiwalay na papel para subukang magdrowring ng sarili mong maze!

Mga Tanong sa Kumperensya

Basahin ang kuwento ni Lou sa pahina 4. Ano ang mga tanong mo tungkol sa ebanghelyo? Isulat ang mga iyon sa mga kahon sa ibaba para matandaan ang mga iyon habang nakikinig ka sa kumperensya. Tiyakin ding ipagdasal na makatanggap ka ng mga sagot.

Iba pang mga Ideya

  • I-print o gupitin mula sa Liahona ang mga larawan ng Unang Panguluhan, mga Apostol, at iba pang mga pinuno. Kapag tumayo ang isang bagong tagapagsalita para magbigay ng kanyang mensahe, hanapin ang larawan niya.

  • Bilang pamilya, pumili ng isang salitang pakikinggan (tulad ng pagmamahal o templo). Isulat ang salita sa isang piraso ng papel. Sa tuwing maririnig mo ang salitang ito sa kumperensya, magdrowing ng bituin o magdikit ng sticker sa pahina.

  • Magsimula ng isang tradisyon ng pamilya sa kumperensya! Gumawa ng espesyal na makakain o gumawa ng iba pang bagay para gawing mas espesyal ang katapusan ng linggo.

Pahinang kukulayan ng koro at mga organ pipe sa likod ng pulpito sa loob ng Conference Center
Pahinang kukulayan ng maze ng labas ng Conference Center
PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Samantha Windley