“Madaling Gawing Cheesy Bean Dip,” Kaibigan, Setyembre 2025, 32.
Magluto Tayo
Madaling Gawing Cheesy Bean Dip
-
1 latang (16 oz/450 g) refried beans
-
2 abukado
-
1/4 na tasang (65 g) salsa
-
1 tasang (225 g) sour cream
-
2 tasang (240 g) ginadgad na keso
-
opsyonal na mga topping: hiniwa-hiwang kamatis, dahon ng sibuyas, o black olives
-
tortilla chips
Kung wala ka ng ilan sa mga sangkap na ito, maaari kang gumamit ng mga sangkap na mayroon sa lugar ninyo! Kung wala kang refried beans, maaari mong lamasan ng kaunting garlic salt ang black beans.
-
Ikalat ang refried beans nang pantay sa 8-pulgadang (20-cm) square pan o sa isang lalagyang katulad nito.
-
Sa isang mangkok na katamtaman ang laki, durugin ang mga abukado sa kalahati ng salsa. Ngayo’y ikalat ito sa ibabaw ng beans.
-
Ihalo ang sour cream sa natirang salsa. Ikalat ito sa ibabaw ng abukado.
-
Budburan ng keso at magdagdag ng opsyonal na mga topping.
-
Ihain nang may kasamang tortilla chips at masiyahan!