“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Setyembre 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Pangkalahatang kumperensya na sa susunod na buwan! Ang ibig sabihin niyan ay makakarinig tayo ng mga mensahe mula sa ating propeta at iba pang mga pinuno. Ituturo nila sa atin ang nais ng Diyos na matutuhan natin. Madarama natin ang Espiritu Santo na nagsasalita sa atin habang nakikinig tayo. Basahin ang kuwento sa pahina 4 para malaman ang sagot na natanggap ni Lou habang nakikinig siya sa kumperensya.
Mayroon bang anumang mga tradisyon ang inyong pamilya para sa pangkalahatang kumperensya? Maaari ka sigurong magtayo ng tolda para doon makinig, tulad ng ginagawa nina Margo at Paolo (tingnan sa pahina 33). Maaari mo ring gamitin ang mga aktibidad sa mga pahina 6–7 at online din habang nakikinig ka.
Masayang pakikinig!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan