2025
Limang Tinapay at Dalawang Isda
Setyembre 2025


“Limang Tinapay at Dalawang Isda,” Kaibigan, Setyembre 2025, 2–3.

Mula sa Primary Presidency

Limang Tinapay at Dalawang Isda

Mula sa pag-interbyu ni Lucy Stevenson Ewell.

Si Jesucristo na may hawak na mga basket ng tinapay at isda, kasama ang maraming tao sa likod niya

Ang isa sa mga paborito kong kuwento ay nasa Bagong Tipan. Mahigit limang libong tao ang nakinig sa pagtuturo ng Tagapagligtas buong araw. Nagsimula silang magutom.

Sabi ng isa sa mga disipulo, “May isang batang lalaki rito na mayroong limang tinapay na sebada at dalawang isda, subalit gaano na ang mga ito sa ganito karaming mga tao?” (Juan 6:9).

Inutusan sila ni Jesus na dalhin ang pagkain sa Kanya, at nanalangin Siya. Pagkatapos ay nangyari ang isang himala. Nagkaroon ng sapat para mapakain ang lahat. At may natira pang 12 basket ng tinapay!

Nais kong alalahanin ninyo kung sino ang nagdala ng mga tinapay at isda. Isang batang lalaki iyon! Ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya sa Tagapagligtas.

Napakahalaga ng mga bata sa Ama sa Langit. Kapag sinusunod mo si Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba, pagpapalain ka Niya.

Maaari Ka ring Magbigay!

Magdrowing ng isang paraan na maaari mong paglingkuran ang iba.

PDF ng pahina