2025
Pakikipagkuwentuhan kina Phanon at Phawin tungkol sa Panalangin
Mayo 2025


“Pakikipagkuwentuhan kina Phanon at Phawin tungkol sa Panalangin,” Kaibigan, Agosto 2025, 40–41.

Pakikipagkuwentuhan kina Phanon at Phawin tungkol sa Panalangin

Sina Phanon at Phawin ay magkapatid mula sa Chiang Mai, Thailand. Tinanong namin sila tungkol sa panalangin.

Dalawang batang lalaki na nakangiti

Magkuwento naman kayo tungkol sa inyong sarili.

Phanon: 10 taong gulang na po ako. Hilig ko pong maglaro ng chess at bumuo ng mga bagay-bagay gamit ang plastic blocks. Paborito ko po ang pagbabasa. Gustung-gusto ko pong magbasa ng mga aklat at ng magasing Kaibigan .

Phawin: 8 taong gulang po ako, at hilig ko pong maglaro ng soccer sa harap ng bahay namin. Mahilig din po akong bumuo ng mga bagay-bagay gamit ang plastic blocks. Gustung-gusto ko na pinapatawa ang mga tao.

Dalawang batang lalaki na naglalaro ng soccer

Maaari ba ninyong ikuwento sa amin ang isang pagkakataon na sinagot ng Ama sa Langit ang inyong mga panalangin?

Phanon: Nahihirapan po akong manatiling nakapokus kapag nag-aaral ako, kaya nagdasal po ako na mas makapagpokus sa paaralan. Noong may academic competition po ako, sobrang nag-aalala ako sa exam. Kaya nagdasal po ako, at mahusay ko pong natapos ang kompetisyon. Naramdaman ko po na pinagpala ako ng Ama sa Langit.

Phawin: Minsan po nawala ang paborito kong laruan. Nagdasal ako sa gabi na mahanap ko ito. Kinabukasan sinabihan ako ni kuya na tingnan ko kung nahulog ang laruan sa likod ng toy cabinet. Pagkatapos ay nakita ko ito! Masaya po ako na sinagot ng ating Ama sa Langit ang dasal ko. Kung minsan ay mabilis ang mga sagot, at kung minsan ay matagal. Pero lagi po Siyang sasagot.

Dalawang batang lalaki na may mga laruan at aklat
Dalawang batang lalaki na naglalaro ng chess

Bakit mahalaga sa inyo ang pagdarasal?

Phawin: Sa pagdarasal po ay napapasalamatan natin ang Ama sa Langit. Maaari din po tayong humingi ng tulong para makatanggap ng mga pagpapala.

Phanon: Ang pagdarasal araw-araw ay isang paraan para matupad ko po ang aking mga tipan sa Ama sa Langit. Alam ko po na maaari akong manalangin kahit saan sa anumang oras. Kapag nagdarasal po ako, nararamdaman ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit.

PDF ng pahina