“Hello mula sa Tonga!” Kaibigan, Agosto 2025, 8–9.
Hello mula sa Tonga!
Ang Tonga ay isang bansa ng mga isla sa South Pacific Ocean. Mahigit 100,000 katao ang naninirahan doon. Ang mga opisyal na wika nila ay Tongan at English.
Isang Palakaibigang Lugar
Ang Tonga ay tinatawag ding Friendly Islands. May mahigit 170 isla sa bansa.
Rugby
Ang rugby ang pambansang laro ng Tonga. Ang mga koponan ng rugby ay madalas na nagtatanghal ng isang tradisyonal na sayaw ng digmaan ng Tongan bago ang mga laro.
Mga Pagkain mula sa Bukid
Halos kalahati ng lupain sa Tonga ay ginagamit sa pagsasaka. Ang pinakakaraniwang itinatanim ay mga kalabasa, saging, niyog, at vanilla beans.
Maraming Pating
Maraming iba’t ibang uri ng pating sa Tonga! Ilan sa mga karaniwang pating ay ang blue shark, bull shark, at silky shark.
Arkong Bato
Ang monumentong bato na ito ay itinayo libu-libong taon na ang nakalilipas ng hari ng Tonga upang parangalan ang kanyang dalawang anak na lalaki. Ang bawat bato ay may timbang na mga 70,000 libra (31,751 kg)!
Mga larawang-guhit ni Augusto Zambonato