“Pagsunod kay Jesus sa Tonga,” Kaibigan, Agosto 2025, 10–11.
Pagsunod kay Jesus sa Tonga
Kilalanin si Ana
Sinusunod ni Ana si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang pamilya. Sinusunod niya ang kanyang mga magulang at tumutulong sa pag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Sabi niya, “Kapag tumutulong ako sa iba, nagpapasalamat ako at masaya.”
Sinusunod rin ni Ana ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagdarasal kapag kailangan niya ng tulong. Si Ana ay isang mananayaw. Kapag nagtatanghal siya sa harap ng mga tao, kinakabahan siya. Ang pagdarasal ay tumutulong sa kanya na magkaroon ng lakas-ng-loob na magtanghal at gawin ang lahat ng makakaya niya.
Tungkol kay Ana
Edad: 10
Mula sa: Tongatapu, Tonga
Mga Wika: Tongan at English
Mga Mithiin: 1) Maging guro. 2) Maging netball player.
Mga libangan: Paglangoy, pakikipaglaro sa mga kaibigan, at pag-uukol ng oras kasama ang pamilya
Pamilya: Inay, Itay, at ang apat na kapatid na lalaki
Mga Paborito ni Ana
Kuwento sa Banal na Kasulatan: Nang pakainin ni Jesus ang 5,000 tao, dahil gumagawa Siya ng mga himala.
Holiday: Pasko
Prutas at gulay: Kiwi at ‘ufi (Tongan yam)
Kulay: Lila
Awit sa Primary: “Propeta’y Sundin,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58)