2025
Pagtulong sa Paglalagay ng mga Himnaryo
Mayo 2025


“Pagtulong sa Paglalagay ng mga Himnaryo,” Kaibigan, Agosto 2025, 44–45.

Madaling Basahin

Pagtulong sa Paglalagay ng mga Himnaryo

Isang tunay na kuwento mula sa Denmark.

Gustung-gusto ni Amalie na tumulong. Tinulungan niya si Inay na maglagay ng mga pinggan sa mesa. Tinulungan niya si Itay na hanapin ang sapatos nito. At nanalangin siya sa oras ng pagbabasa ng banal na kasulatan ng pamilya.

Dalagita na binabati ang dalawang batang babae sa simbahan

Tuwing Linggo, nagsisimba ang pamilya ni Amalie. Tumutugtog ng piano si Inay. Ang kanyang ate, na si Emma, ay nagbubukas ng pintuan para sa lahat. Si Itay ang nagsasabi ng mga announcement. Nagpapasa ng sakramento ang kanyang kuya na si Alexander. Lahat ay nakakatulong sa simbahan.

Lahat maliban sa kanya!

Alam ni Amalie na tinulungan ni Jesucristo ang lahat ng nakasalamuha Niya. Gusto niyang tumulong tulad Niya! Pero hindi siya marunong tumugtog ng piano. Hindi rin siya makatulong sa mga announcement. Medyo nalungkot siya. Siguro makakatulong siya kapag mas malaki na siya.

Isang lalaking nakasuot ng amerikana na nakikipag-usap sa isang batang babae sa simbahan

Isang araw bago magsimula ang simba, lumapit ang branch president kay Amalie. Ngumiti siya “Maaari bang ipamahagi mo ang mga himanaryo?” tanong niya.

Ngumiti rin si Amalie. “Opo!”

Isang batang babae na may dalang salansan ng mga himnaryo

Maingat niyang kinuha ang isang salansan ng mga berdeng himnaryo sa istante. Naglagay siya ng isang aklat sa bawat upuan.

Lalaki, babae, at batang babae na nakaupo sa mahabang upuan ng simbahan at gumagamit ng mga himnaryo para kumanta

Nang magsimula na ang simba, binuksan ng lahat ang kanilang mga himnaryo. Napakasaya ni Amalie. Nakatulong siya sa kanilang lahat para makakanta sila nang sama-sama!

Mula noon, lahat ng miyembro ng pamilya ni Amalie ay tumutulong na sa simbahan. Tumutugtog ng piano si Inay. Si Emma ay nagbubukas ng pinto. Si Itay ang nagsasabi ng mga announcement. Nagpapasa si Alexander ng sakramento. At inilalagay ni Amalie ang mga himnaryo sa mga upuan.

Masaya si Amalie na natutulungan niya ang Ama sa Langit. Alam niya na gusto Niya na tumulong siya tulad ni Jesus.

PDF ng pahina

Mga larawang-guhit ni Dave Williams