2025
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Mayo 2025


“Para sa Mas Nakatatandang mga Bata,” Kaibigan, Agosto 2025, 34–35.

Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Mga Salita mula sa Iyo

Batang lalaki na nakangiti

Nadarama ko ang kapayapaan kapag binabasa ko ang Aklat ni Mormon.

Packer T., edad 9, Utah, USA

Batang babaeng nakangiti

Kapag nagbabahagi ako tungkol sa Simbahan, pakiramdam ko ay gumagawa ako ng gawaing misyonero para sa Ama sa Langit. Pakiramdam ko ay tuwang-tuwa Siya sa akin. Alam ko na lahat tayo ay maaari maging mabubuting missionary.

Lily C., edad 12, Taoyuan, Taiwan

Matching Maze ng Simbahan

Tulungan si Nita na lumibot sa gusali para mahanap ang kanyang kaibigan! Makakalipat lang siya sa isang silid na katabi ng silid kung saan siya naroon, at ang dalawang silid ay dapat may magkaparehong item. Halimbawa, maaari siyang lumipat mula sa silid 1 papunta sa silid 5 dahil magkatabi ang mga ito at parehong may asul at kulay abo na aklat ang mga ito. Isang beses lang pupunta si Nita sa bawat silid. Ang kaibigan niya ay nasa huling silid na pinuntahan niya.

Isulat ang pagkakasunud-sunod ng mga silid na pinupuntahan niya.

Malungkot at Masayang Laro

Magsalitan sa paglalaro ng acting game na ito kasama ang isang kaibigan. Pumili ng isang tao na gaganap bilang Malungkot at isang tao na gaganap bilang Masaya. Sisimulan ni Malungkot ang laro sa pagsasabi ng isang bagay na malungkot. Pagkatapos ay magsasabi si Masaya ng “PERO!” at magdadagdag ng isang bagay na masaya tungkol sa sinabi ni Malungkot. Magpalitan ng role at gawin itong muli. Gamitin ang script na ito upang makapagsimula:

Malungkot: Masama ang pakiramdam ko ngayon.

Masaya: PERO! Dinalhan ako ng masarap na pagkain ng kaibigan ko.

Malungkot: Nakakainip ang mga gawain ko sa bahay.

Masaya: PERO! Kung mabilis akong matatapos, pwede na kaming maglaro ng mga kaibigan ko.

Maliit na Puzzle

Punan ang mga kahon na walang laman upang ang mga numerong 1–4 ay makita sa bawat hanay (pahalang), sa bawat column (itaas at ibaba) at sa bawat kahon na may outline. May naiisip ka bang apat na magagandang bagay na gagawin ngayon?

PDF ng pahina na may maze activity na nagpapakita ng iba’t ibang silid sa isang gusali ng simbahan, isang puzzle ng mga numero, at isang batang lalaki at batang babae na may malungkot at masayang mukha

Mga larawang-guhit ni David Habben