“Pagtatayo ng Templo,” Kaibigan, Agosto 2025, 24–25.
Pagtatayo ng Templo
Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na dapat silang magtayo ng templo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:4–5). Ang mga unang templo sa mga huling araw ay nasa Kirtland, Ohio, at Nauvoo, Illinois, sa USA.
Ngayon ay halos 200 templo na ang natapos sa iba’t ibang panig ng mundo, at marami pa ang itinatayo! Tingnan ang mga larawan para makita kung paano tayo nagtatayo ng mga templo ngayon.
Ang mga arkitekto ay tumutulong sa pagdidisenyo ng mga templo. Pagkatapos ay nagtatrabaho ang mga tagapagtayo!
Kapag handa nang simulan ang pagtatayo ng templo, nagtitipon ang mga lider at miyembro ng Simbahan para sa isang espesyal na seremonya na tinatawag na groundbreaking. Ipinagdarasal nila ang templo at ang mga taong nakatira malapit dito.
Kapag natapos na ang templo, maaaring maglibot ang mga bisita. Pagkatapos ng mga paglilibot na ito, isang propeta o apostol ang bumibisita sa templo at umuusal ng isang espesyal na panalangin para ilaan ang templo. Ang panalanging ito ang tumutulong upang maging bahay ng Panginoon ang gusali kung saan maisasagawa ang mga sagradong ordenansa.