2025
Paano Mo Malalaman na Mahal Ka ng Ama sa Langit?
Mayo 2025


“Paano Mo Malalaman na Mahal Ka ng Ama sa Langit?,” Kaibigan, Agosto 2025, 38–39.

Mga Sagot mula sa Iyo

Paano Mo Malalaman na Mahal Ka ng Ama sa Langit?

Batang lalaki na nakangiti

Nadarama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng mga magulang ko. Nagpapakita sila ng mabubuting halimbawa sa akin, at dama ko ang kanilang walang-maliw na pagmamahal. Nadarama ko rin ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagtanggap ng sakramento tuwing Linggo.

Layden U., edad 10, Tuamsaga, Samoa

Batang babaeng nakangiti

Nadarama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit kapag nagdarasal ako at kapag gumagawa ako ng mabubuting bagay para sa ibang tao.

Philicia H., edad 10, Christ Church, Barbados

Batang babaeng nakangiti

Nadarama ko na mahal ako ng Ama sa Langit dahil binigyan Niya ako ng pamilya at lumikha ng maraming magagandang bagay para mabuhay ako nang masaya.

Tiffany A., edad 8, Ceará, Brazil

Batang babaeng nakangiti

Nadarama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit kapag kasama ko ang aking mga kabayo. Sa palagay ko ay natututo pa rin ako kung paano ito maramdaman.

Eirwen B., edad 9, Wyoming, USA

Batang babaeng nakangiti

Alam kong mahal ako ng Ama sa Langit dahil nilikha Niya ako. Mahal Niya ako dahil isinugo Niya ang Kanyang Pinakamamahal na Anak upang mamatay para sa aking mga kasalanan. Sinasagot Niya ang aking mga panalangin.

Sharon K., edad 9, Central Region, Uganda

Batang lalaki na nakangiti

Tinutulungan Niya tayo. Binigyan Niya ako ng mabuting kalusugan, magandang pamilya, at napakagandang paaralan. Tinutulungan at sinusuportahan Niya ang mga maysakit at ang mga taong nangangailangan.

E’rich J., edad 9, Ouest, Haiti

Batang lalaki na nakangiti

Dahil sa pagmamahal ng Ama sa Langit, nadarama kong ligtas at panatag ako.

Jarom K., edad 10, Hattula, Finland

Batang lalaki na nakangiti

Alam ko na mahal ako ng Ama sa Langit dahil pinagpapala Niya ako araw-araw.

Jack C., edad 10, Cebu, Philippines

Batang babaeng nakangiti

Nakatira ako sa isang lugar na napapaligiran ng mga bundok, at kapag pumupunta ako roon para mag-camping, nadarama ko ang pagmamahal ng ating Ama sa Langit.

Chloé L., edad 10, Auvergne-Rhône-Alpes, France

Batang lalaki na nakangiti

Nadarama ko ang pagmamahal ng Diyos kapag nakakatulong ako sa pagkakaroon ng magandang sportsmanship sa mga laro ng soccer.

Brayden Q., edad 10, Colorado, USA