“Welcome, mga Kaibigan!” Kaibigan, Agosto 2025, 1.
Welcome, mga Kaibigan!
Paano ninyo nalalaman na mahal kayo ng Ama sa Langit? Nadarama ba ninyo ang Kanyang pagmamahal kapag nagdarasal kayo? O kapag tinitingnan ninyo ang Kanyang mga nilikha? Basahin ang mga sagot mula sa mga batang tulad ninyo sa pahina 38–39.
Ang isang paraan ng pagpapakita ng Diyos ng Kanyang pagmamahal ay ang pagbibigay ng mga kautusan para manatili tayong malusog at ligtas. Isa sa mga kautusang iyon ay tinatawag na Word of Wisdom. Maaari kayong matuto nang higit pa tungkol dito sa mga pahina 16, 18, at 46.
Ano ang iba pang mga paraan na nadarama ninyo ang pagmamahal ng Diyos? Isulat at ikuwento sa amin! Pumunta sa pabalat sa likod para makita kung paano.
Nagmamahal,
Ang Kaibigan