“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Agosto 2025, 22–23.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 28–Agosto 3: Doktrina at mga Tipan 84
Mga Katotohanan tungkol sa Templo
Ang mga propeta ay maaaring tumanggap ng paghahayag tungkol sa pagtatayo ng mga templo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:4–5). Pumunta sa mga pahina 2–3 para basahin ang mensahe ng propeta tungkol sa mga templo at gawin ang isang aktibidad.
Agosto 4–10: Doktrina at mga Tipan 85–87
Mga Paboritong Bagay
Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na dapat nating isulat ang mahahalagang bagay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 85:1–2). Sa isang papel, isulat, iguhit, o idikit ang mga larawan ng kung ano ang mahalaga sa iyo.
Agosto 11–17: Doktrina at mga Tipan 88
Matuto at Magturo
Itinuturo ng mga banal na kasulatan na dapat nating sikaping matuto hangga’t kaya natin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:118). Isipin ang isang bagay na gusto mo pang mas matutuhan. Magbasa ng aklat tungkol dito, magtanong sa kaibigan, o magsaliksik sa tulong ng magulang. Idrowing ang natutuhan mo at ibahagi ito sa iyong pamilya!
Agosto 18–24: Doktrina at mga Tipan 89–92
Pagkain at Katuwaan
Nais ng Ama sa Langit na kumain tayo ng masusustansyang pagkain at inumin para matulungan tayong maging malusog! Ito ay tinatawag na Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89). Tumulong sa paggawa ng isang resipe na gusto mo na may mga prutas o gulay dito. Magpatulong sa isang adult sa pagluluto!
Agosto 25–31: Doktrina at mga Tipan 93
Liwanag at Katotohanan
Takpan ang flashlight ng maraming piraso ng papel. Tanggalin ang isa sa tuwing babasahin mo ang isa sa mga banal na kasulatan na ito: Doktrina at mga Tipan 93:24, 28, 37. Pag-usapan kung paano nagdadala ng liwanag sa atin ang mga banal na kasulatan.
Mga larawang kuha ni Christina Smith